ABS-CBN, nanawagan sa mga taga-suporta ng mga politiko na irespeto ang mga taga-media
- Matapos ang naganap na girian sa pagitan ng crew ng ABS-CBN at ng BBM-Sara supporters, naglabas ng pahayag ang pamunuan ng estasyon
- Anila, hindi nila kukunsintihin ang kanilang kawani na nagpakita ng kanyang hinlalato habang sinisigawan sila ng ilang supporters
- Inihingi ng dispensa ng pamunuan ng ABS-CBN ang pangyayari ngunit humiling din sila na sana ay irespeto ng mga supporters ng mga politiko ang mga taga-media
- Matatandaang nag-viral sa social media ang video kung saan may dumaan na ABS-CBN crew cab sa gitna ng Marcos Jr.-Duterte caravan sa Quezon City
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Sa statement na inilabas ng ABS-CBN kaugnay sa naganap na tensiyon sa pagitan ng crew ng ABS-CBN at ng BBM-Sara supporters, inihingi nila ng dispensa ang ginawang pagpatol ng kanilang kawani sa pamamagitan ng pagpapakita ng kanyang hinlalato habang sinisigawan sila ng ilang supporters.
Hindi umano nila ito kukunsintihin lalo at inaasahan nila ang kanilang team na maging propesyonal kahit ano pang sitwasyon.
“We regret the incident involving an employee who made an offensive hand gesture as they were being harassed by a group of people attending a political caravan. We expect our news teams to maintain the highest level of professionalism and integrity at all times, regardless of any provocation and hostility they may face."
Humiling din sila na sana ay irespeto ng mga supporters ng mga politiko ang mga taga-media.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
“We also appeal to supporters of political candidates to treat everyone with respect, including members of the media who are doing their best to cover the political campaigns in a manner that is accurate, fair, and impartial."
Matatandaang nag-viral sa social media ang video kung saan may dumaan na ABS-CBN crew cab sa gitna ng Marcos Jr.-Duterte caravan sa Quezon City kamakailan.
Sa kasalukuyang panahon na lahat ng pangyayari ay maaring ibahagi sa social media, naging mas madali para sa netizens ang makakuha ng mga impormasyon at bagong kaalaman.
Kaya naman, hindi nakakapagtaka na mabilis na kumalat ang mga video at balitang kakaiba o hindi pangkaraniwan.
Isa sa nag-viral na video kamakailan ay ang pag-iyak ng isang bride matapos silang lokohin ng kanilang wedding coordinator. Kasunod ng pag-viral ng video niya ay bumuhos ang simpatya at may ilang mga personalidad na tumulong sa kanila.
Source: KAMI.com.gh