Miss Universe Bahrain, dedma sa mga bashers: "Love you, kabayans!"

Miss Universe Bahrain, dedma sa mga bashers: "Love you, kabayans!"

- Naglabas na ng reaksyon si Miss Universe Bahrain matapos na mag-viral ang isa niyang larawang kasama ang pambato ng Bolivia, Chile at Czech Republic

- Nakarating umano sa kanya na tila marami umano siyang mga 'bully at bashers' sa naturang larawan

- Aniya, hindi raw siya handa sa nang kunan nang viral na larawang iyon

- Gayunpaman, nagparating pa rin ng pagmamahal si Miss Bahrain sa mga 'Kabayan' dahil pawang mga Pinoy umano ang pumuna sa kanya sa naturang larawan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

May buwelta si Miss Universe Bahrain Manar 'Jess' Deyani sa mga hindi nakapagpigil na bashers sa kanyang viral na photo kasama ang iba pang kandidata na sina Miss Bolivia, Miss Chile at Miss Czech Republic.

Nalaman ng KAMI na nakarating na umano kay Miss Bahrain ang umano'y mga komento sa kanya partikular ng mga Pilipino sa viral photo.

Read also

Vicki Belo at kanyang pamilya, kinagiliwan sa kanilang TikTok video

Miss Universe Bahrain, dedma sa mga bashers: "Love you, kabayans!"
Miss Universe Bahrain Manar 'Jess' Deyani (@jessdeyani)
Source: Instagram

Paliwanag ni Miss Bahrain, hindi siya handa nang kunan ng larawang iyon.

"I’m not yet ready when this photo was taken"

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sa kabila ng mga hindi magagandang komentong naibato sa kanya kahit na ito'y biro lamang daw sa iba. nagpadala pa rin ng pagmamahal si Miss Bahrain sa mga kumutya sa kanya.

"I am here to have a representation for all women regardless of the shape, size, religion or color. For the people who spread hate on social media. I have nothing but love for all of you.
" I hope that you find peace in your heart as me and my co-sisters unite to break the world's stereotypes of beauty."

Pinasalamatan din niya ang mga taong sa kabila ng mga panghuhusga ay nagawa pa rin siyang ipagtanggol at magbigay ng positibong pahayag tungkol sa kanya.

Read also

Karen Bordador, usap-usapan dahil sa tweet tungkol sa paglabas ng PBB house

"On a positive note - I wanna thank everyone who said inspirational things and for the kind messages! Love you, kabayans!"

Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag:

Kasalukuyan ngayong ginaganap ang Miss Universe 2021 Preliminaries sa Israel.

Ang pambato ng bansa na si Beatrice Luigi Gomez ay hindi nagpapahuli sa bawat bahagi ng kompetisyon.

Samantala, isa ang Kapuso actress na si Marian Rivera sa mga napiling maging hurado sa Miss Universe ngayong taon.

Agad ding nag-viral ang mga video nila ng kanyang kapwa judge mula naman sa India kung saan tinuruan pa niya ito ng kanyang sayaw na "Sabay Sabay tayo."

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel