Jinggoy Estrada, pinagsabihan ang isang lalakeng umano'y hiniya ang nanay

Jinggoy Estrada, pinagsabihan ang isang lalakeng umano'y hiniya ang nanay

- Viral ngayon ang video na ibinahagi ni Ryssi Avila sa kanyang Facebook page

- Ani Ryssi, wala siyang hilig sumawsaw sa pulitika at nais lamang niya sanang i-record ang pagsagot-sagot ng isang lalaki sa kanyang ina

- Nagtaon naman umano na naroroon din ang pamilya ni Sen. Jinggoy Estrada at narinig nito ang usapan ng mag-ina

- Lumapit ito sa mag-ina at pinagsabihan ang anak sa aniya ay pamamahiya niya sa kanyang ina

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Umani ng mga reaksiyon ang video na ibinahagi ni Ryssi Avila sa kanyang Facebook page. Nilinaw ng mang-aawit na wala siyang hilig sumawsaw sa pulitika at nais lamang niya sanang i-record ang pagsagot-sagot ng isang lalaki sa kanyang ina.

Sen. Jinggoy Estrada, hindi nakapagtimpi sa umano'y pambabastos ng isang anak
Sen. Jinggoy Estrada waves as he gets into a police car on his way to a detention center after surrendering to authorities at police headquarters in Manila on June 23, 2014. (TED ALJIBE/AFP PHOTO)
Source: Getty Images

Sinabi din ni Ryssi na hindi niya bet ang senador dahil sa mga isyung kinasasangkutan nito ngunit napabilib umano siya sa ginawa ni Sen. Jinggoy. Lumapit ito sa mag-ina at pinagsabihan ang anak sa aniya ay pamamahiya niya sa kanyang ina.

Read also

TikTok Star Sassa Gurl, inaming anak ng kasambahay; sinurpresa ni Karen Davila

Lalagyan ko sana ng subtitle kaso ok na yan! malinaw naman! naglunch lang may pangmalupitang ganap pa! marites na marites! haha. Sa totoo lang, di ako mapulitika kaya wag nyo ko ibash, record ko lang sana mga hanash ni kuya kaso nandun family ni Jinggoy. Di ko sya bet dati kasi dami inissue sa kanya, pero di naman politics to, about values! napabilib ako! Matuto tayong rumespeto sa matatanda! yan ang kulang sa iba ngayon! kahit anong estado sa buhay! lalo na sa magulang natin! pag di keri magbora! wag ipilit! wag umeksena para di maawardan.

Sinagot din ni Ryssi ang mga komentong bayaran umano siya.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sa mga magsasabing bayaran ako, Hello po Sen. Jinggoy, totohanin natin! hahahaha! kudos po! nanginig din ako! haha

Si Jinggoy Estrada o si Jose Pimentel Ejercito Jr ay isang politiko, aktor at producer. Naging Vice Mayor siya ng San Juan noong 1988 at nagsilbi bilang sendaor sa loob ng dalawang termino mula 2004 hanggang 2016.

Matatandaang naging malubha ang kalagayan ni dating Pangulong Joseph Estrada noong Abril nang kasalukuyang taon dahil sa pneumonia. Kinailangan siyang kabitan ng ventilator kaya humiling si Sen. Jinggoy ng panalangin para sa mabilis na paggaling ng ama.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate