101-anyos na lolo, piniling tumulong kaysa mag-party para sa kanyang kaarawan

101-anyos na lolo, piniling tumulong kaysa mag-party para sa kanyang kaarawan

- Mas pinili pa ring tumulong ng 101-anyos na pilantropo na si Diego Veluz

- Imbis na magkaroon ng magarbong handaan, mas pinili pa rin ni Tatay Diego na bumili ng mga bigas, tsokolate at tinapay para ipamahagi

- Isang tahimik na pilantropo si tatay Diego na mula noon ay handang ibihagi ang kung anomang biyaya na kanyang tinatanggap

- Habang siya raw ay nabubuhay, patuloy pa rin siyang tutulong at magbibigay sa mga higit nangangailangan ng tulong

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Hinangaan ng marami ang 101-anyos na lolo mula Laguna na si Diego Veluz na nagdiwang ng kanyang kaarawan.

Nalaman ng KAMI na sa halip na magkaroon ng magarbong handaan, mas pinili pa rin ni Tatay Diego ang mamahagi pa rin ng biyaya na matagal na niyang ginagawa.

Nagpabili siya ng 20 sako ng bigas, mga tinapay at tsokolate para maipamigay sa mga taong labis na nangangailangan.

Read also

Ryan Bang sa kanyang mga empleyado: "Gusto ko magkaroon sila ng sariling bahay"

101-anyos na lolo, piniling tumulong kaysa mag-party para sa kanyang kaarawan
Ang 101-anyos na si Tatay Diego (Photo from Wyeth Apejas)
Source: Facebook

Kwento ng mga nakakikilala kay Tatay Diego, noon pa man ay likas na sa kanya ang pagtulong.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ayon kay Wyeth Apejas, ang paaralan na kanyang pinamamahalaan ngayon ay pinatayo ni tatay Diego.

Sila na rin ang nag-aalaga kay tatay Diego subalit patuloy pa rin daw itong nakatutulong sa kanila. Katunayan, nauuna pa madalas itong magising sa kanila at nagagawa pang magluto para sa kanilang almusal.

Kaya naman kahanga-hanga ang kabutihan ng puso ni Tatay Diego. Ayon sa kanya, handa siyang tumulong at magbahagi ng biyaya ng tulong habang siya ay nabubuhay.

Makatutuwang malaman ng marami sa ating mga kababayang Pinoy ang nagpapakita ng pagmamalasakit bago pa man maganap ang pandemya kung saan marami sa ating mga kababayan ang labis na sinubok ng pagkakataon

Tulad na lamang ng isang pilantropo at vlogger na si Basel Manadil o mas kilala bilang si The Hungry Syrian Wanderer. Noon pa man, marami nang natutulungan si Basel sa mga kababayan natin na karamihan ay mga nakakasalubong lang niya o nadadaanan sa lansangan.

Read also

Ryan Bang, hindi kailanman nangutang: "Kasi doon kami naghirap e"

Mas lalong umigting ang kanyang pagtulong ngayong pandemya dahil mas marami ang mas lalong naghirap dala ng kawalan ng trabaho.

Ang mga tulad nina Basel at Tatay Diego ang nagsisilbing inspirasyon at pag-asa sa iba na mayroon pa ring mga taong may mabubuting puso na handang magbigay at magbahagi, maibsan lamang ang hirap na dinaranas ng iba.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica