Vlogger na si Virgelyn, natulungan ang lolo na tumatawid ng ilog para magbenta ng tanim
- Marami ang naantig ang puso sa lolo na natulungan kamakailan ng vlogger na si Virgelyn
- Nalaman niyang tumatawid pa ito ng ilog na minsan ay hanggang leeg niya ang tubig, makapagbenta lang ng kanyang panananim
- Ang masaklap, minsan daw ay walang bumibili ng kanyang dala dahilan para mawalan naman siya ng pambili ng makakain
- Iyon lamang daw ang alam niyang ikabubuhay kaya naman matiyaga siyang tumatawid sa ilog paga maglako
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Sadyang nakakaantig ng puso ang kalagayan ng isang lolo na natulungan ni Virgelyn sa kanyang pinakabagong vlog noong Nobyembre 13.
Nalaman ng KAMI na ang lolo na ito ay tumatawid ng ilog dala ang kanyang kalakal na kahoy at iba pang tanim na pwede niyang mailako.
Isang concerned citizen pa ang nagpakita kay Virgelyn ng sitwasyon ng lolo sa pagtawid nito sa ilog.
Minsan pa nga raw, mataas ang tubig na hanggang leeg kaya naman hirap talaga ang lolo sa ginagawa niya araw-araw.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Gayundin ang tinatapakan nitong matatalim sa ilalim ng ilog gayung wala naman siyang sasakyan.
Sa unang inabot ni Virgelyn na Php1,000 sa lolo, Php100 lamang ang ginastos nito sa araw na iyon. Ang kanyang dahilan, kailangan niya itong ipunin sakaling kailanganin niya ito sa mga susunod na araw.
Nang sumama pa si Virgelyn sa tirahan ng lolo, lalo itong naantig ang puso dahil pagkatawid ng ilog, may kalayuan pa ang tinitirikan ng bahay nito.
Hindi rin pinaalis ng lolo si Virgelyn nang hindi ito nakakakain. Pinagsaluhan nila ang sardinas at kanin na niluto ng lolo dahil malayo pa raw ang lalakbayin ni Virgelyn pabalik.
Habang ikinikwento ang hirap ng kanyang kalagayan, hindi na rin naiwasang maluha ng lolo.
Bago tuluyang umalis si Virgelyn, muli niya itong inabutan ng karagdagang tulong pinansyal.
Narito ang kabuuan ng video mula sa Virgelyncares 2.0 YouTube Channel:
Si Marco Rodriguez o mas kilala bilang si Virgelyn ng 'Virgelyncares 2.0' ay isang vlogger sa Bicol na ang pangunahing laman ng kanyang mga video ay ang pagtulong sa kapwa. Dahil din sa mga subscribers niya ng mga overseas Filipino workers o OFW, lalong dumarami ang kanyang mga natutulungan. Umabot na sa 1.2 million ang kanyang mga subscribers.
Si Virgelyn ang naging daan upang makita ng publiko ang kalagayan ngayon ng dating artista na si Mura.
Dahil din dito, napuntahan ito ng kanyang kaibigan at partner sa mga palabas sa telebisyon na si "Mahal" ilang linggo bago ito pumanaw nitong Agosto 31.
Kamaikailan, nagdiwang ng kaarawan si Virgelyn kung saan mas pinili niyang makasama ang Aeta community sa kanila para mabigyan niya ang mga ito ng tulong.
Source: KAMI.com.gh