Virgelyn, umalma sa sumbong ng kanyang natulungan; "'Wag naman tayong ganoon"

Virgelyn, umalma sa sumbong ng kanyang natulungan; "'Wag naman tayong ganoon"

- Binalikan ng vlogger na si Virgelyn ang dati niyang natulungan na si Jenny at pamilya nito

- Nabanggit ng mag-iina na may ilang nagagawang pagchismisan sila at hindi na nakakukuha ng iba pang tulong

- Ito ay sa kadahilanang may natatanggap naman daw na tulong ang mg ito mula kay Virgelyn

- Gayunpaman, makikita ang pagbabago sa ina ni Jenny na unti-unti nang nanunumbalik ang lakas dahil sa mga tulong mula kay Virgelyn

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Sa pagbabalik ni Virgelyn sa pamilya ni Jenny, nabanggit ng mag-ina ang mga kaganapan matapos silang matulungan ng vlogger.

Nalaman ng KAMI na madalas umanong mapag-chismisan sina Jenny at sinasabing 'mayaman' na raw ang mga ito.

Virgelyn, umalma sa sumbong ng kanyang natulungan; "'Wag naman tayong ganoon"
Si Marco Rodriguez o mas kilala bilang si Virgelyn ng 'Virgelyncares 2.0' (Photo from Virgelyncares 2.0)
Source: Facebook

Dahil dito, hindi na rin umano nabibigyan ng iba pang tulong ang pamilya nila dahil sa pag-aakalang marami na silang pera, bigas at gatas dahil sa vlogger.

Read also

Basel Manadil, binigyan ng trabaho ang magkapatid na nais ipagamot ang ina

Hindi naiwasang umalma ni Virgelyn gayung makikita namang mahirap pa rin ang sitwasyon ng mag-iina.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Dahil umano sa mga usap-usapang ito, hindi na naisasali umano sa iba pang uri ng tulong ang pamilya ni Jenny, maging sa feeding program ng kanilang paaralan.

Kaya naman pinaliwanag ni Virgelyn sa mga manonood ang tungkol sa kanyang pagbibigay tulong na mula sa mga OFW at mga subscribers. Hiling niyang mabigyan pa rin ang pamilya ni Jenny ng iba pang mga tulong mula sa ibang grupo na nagmamalasakit sa mahihirap.

At upang mapasaya naman si Jenny at pamilya nito, muli silang binigyan ni Virgelyn ng sampung sakong bigas, at sampung malalaking pakete ng gatas.

Mapapanood ang kabuuan ng video sa YouTube channel niyang Virgelyncares 2.0:

Si Marco Rodriguez o mas kilala bilang si Virgelyn ng 'Virgelyncares 2.0' ay isang vlogger sa Bicol na ang pangunahing laman ng kanyang mga video ay ang pagtulong sa kapwa. Dahil din sa mga subscribers niya ng mga overseas Filipino workers o OFW, lalong dumarami ang kanyang mga natutulungan. Umabot na sa 1.2 million ang kanyang mga subscribers.

Read also

Manny Pacquiao, kinumpira ang pamamahagi ng tulong; nilinaw na bahagi ito ng "charity work"

Si Virgelyn ang naging daan upang makita ng publiko ang kalagayan ngayon ng dating artista na si Mura.

Dahil din dito, napuntahan ito ng kanyang kaibigan at partner sa mga palabas sa telebisyon na si "Mahal" ilang linggo bago ito pumanaw nitong Agosto 31.

Kamaikailan, nagdiwang ng kaarawan si Virgelyn kung saan mas pinili niyang makasama ang Aeta community sa kanila para mabigyan niya ang mga ito ng tulong.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica