Isa pang suspek sa Maguad siblings murder, nasa kustodiya na ng otoridad

Isa pang suspek sa Maguad siblings murder, nasa kustodiya na ng otoridad

- Nasa kustodiya na ng mga otoridad ang isa pang suspek sa naganap na pagpaslang sa magkapatid na Maguad sa M'lang sa Cotabato

- Nasampahan na ng kaso sa Maguad siblings murder case ang lalai at kasalukuyang hawak na sa ng Kidapawan City Pnp dahil sa kasong paglabag sa illegal na droga

- May mga inamin na umano ang nahuling suspek na mas lalong magpapatibay sa kaso

- Siya din ang tinuturo ni alyas "School Girl" na kasabwat sa karumal-dumal na krimen

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Nahuli na umano ang isa pang suspek sa naganap na pagpaslang sa magkapatid na Maguad sa M'lang sa Cotabato. Siya din ang tinuturo ni alyas "School Girl" na kasabwat sa karumal-dumal na krimen.

Ayon sa isang post ng Sky Teleradyo M'lang Facebook Page, may mga inamin na umano ang nahuling suspek na mas lalong magpapatibay sa kaso.

Read also

Zeinab Harake, nakapagbigay ng Php200,000 sa kanyang fan sa tulong ni Rabiya Mateo

Isa pang suspek sa Maguad siblings murder, nasa kustodiya na ng otoridad
Screenshot from Sky Teleradyo M'lang
Source: Facebook

Sa ulat ng Philippine Star, ayon sa mga imbestigador, maaring sibling rivalry ang nagtulak sa salarin upang gawin ang krimen na talaga namang tinutukan ng publiko. Gayunpaman, hindi na nagbigay pa ng karagdagang impormasyon ang mga imbestigador kaugnay dito.

Sa kasalukuyan, nasa kustodiya na ng Department of Social Welfare and Development ang suspek samantalang paatuloy pang pinaghahanap ang isa pang suspek.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Samantala, nauna nang hiniling sa publiko na iwasang i-post ang picture ng biktima na kuha sa crime scene.

Matatandaang naganap ang pagpaslang sa magkapatid nitong ika-10 ng Diyembre ng hapon. Sa mga naunang ulat, sinabi ng umamin na school girl ng pamilya na nagtago siya sa loob ng silid kaya siya nakaligtas.

Sa isang panayam ng Sky Teleradyo M'lang, ikinuwento ng ama ng mga bata na isa ding guro ang mga kahina-hinalang napansin sa kilos ng kanilang school girl.

Read also

Mga magulang ng Maguad siblings, bumuhos ang emosyon sa libing ng mga anak

Nauna na ring naiulat ng Sky Teleradyo M'lang na pormal nang sinampahan ng kaso noong december 16, 2021 ng Mlang Pnp kasama ang special investigations task group SITG ang mga suspek.

Sa pagkakaroon ng social media, mas malawak na ang naabot ng mga balita. Kaya naman, sa mga balitang nakakaantig, mas maraming mga tao ang tumututok. Matatandaang ilan sa mga pinakatinutukang kaso ng pagpaslang ay ang pagbaril ng pulis na si Jonel Nuezca sa mag-ina. Kinalaunan ay nahatulan ito at nakulong hanggang sa kamakailan ay lumabas ang balitang pumanaw na ito.

Pumukaw din sa interes ng publiko ang sinapit ng isang Grab driver na si Jang Lucero. Naging mailap ang pagkuha ng hustisya para kay Lucero matapos ang mahigit isang taon.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate