Vlogger na si Basel Manadil, naka-20 katao na natulungan sa bago niyang vlog

Vlogger na si Basel Manadil, naka-20 katao na natulungan sa bago niyang vlog

- Nag-ikot ang vlogger na si Basel Manadil upang maghanap mga taong mabibigyan niya ng tulong

- Isa sa kanyang mga natulungan ay ang matandang namamalimos na binigyan muna niya ng pagkain at ng tulong pinansyal

- Ganyundin ang nagtutulak ng kanyang mga paninda na hindi makapaniwala sa laki ng halagang iniaabot sa kanya ni Basel

- At ang isa nama'y nagtutulak ng kariton na nalugi raw kaya naman halos maiyak nang bigla na lamang siyang abutan ng pera ni Basel nang madaanan siya nito

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Naghanap ng nasa 20 na mga katao ang vlogger na si Basel Manadil para mabigyan niya ng tulong.

Nalaman ng KAMI na isa sa mga natulungan niya ay ang lalaking namamalimos na na napansin lang ni Basel sa gilid ng kalsada.

Pinakain niya muna ito saka binigyan ng perang maari nilang gawing puhunan sa anumang naisin nitong pangkabuhayan.

Read also

EB Dabarkads, naluha habang ikinikwento ni Boobay ang kanyang pagsubok noong 2016

Vlogger na si Basel Manadil, naka-20 katao na natulungan sa bago niyang vlog
Basel Manadil (Photo: the Hungry Syrian Wanderer)
Source: Instagram

Sumunod na natulungan ni Basel ay ang pag-aabot ng tulong pinansyal sa mga street sweepers.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Nadaanan din niya ang vendor na nagtutulak ng kanyang mga paninda na maaring magamit sa bahay.

Nagkunwaring bibili si Basel ng mga paninda nito bago iabot ang malaking halaga ng pera sa vendor.

Halos hindi makapaniwala ang vendor at tila nagtataka bakit siya binigyan ni Basel. Nagpasalamat naman ito bago siya umalis.

Sumunod na natulungan ni Basel ang isang 73-anyos na lolo na nagtutulak ng kariton. Inabot lamang niya rito ang perang tulong niya rito subalit naisipan niyang dagdagan pa ito dahil na rin sa naging reaksyon na lolo.

Naluluha kasi ito nang tanggapin mula kay Basel ang pera lalo na at nalugi raw siya ng araw na iyon.

Read also

Boobay, naiyak nang inalala ang pagtulong ni Marian Rivera sa kanya noong 2016

Narito ang kabuuan ng nakaantig ng pusong video ni Basel sa kanyang YouTube channel na The Hungry Syrian Wanderer:

Si Basel Manadil o mas kilala bilang si 'The Hungry Syrian Wanderer' ay sikat na YouTuber na piniling manirahan sa ating bansa.

Kilala siya sa pagtulong niya sa mga Pinoy lalo na at itinuturing na niyang pangalawang tahanan ang Pilipinas. Bukod sa pagiging vlogger, isa ring restaurant owner si Basel na may-ari ng YOLO Retro Diner.

Kamakailan, nabiyayaan ni Basel ng motorsiklo ang isang delivery rider na napansin niyang bike lamang ang gamit sa pagtatrabaho.

Gayundin ang kanya mismong kasambahay na nagulat nang makitang iPhone 12 pala ang handog sa kanya ni Basel.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica