Viral na nagra-rap sa jeep para mamalimos at composer ng kinakanta niya, nagkita na

Viral na nagra-rap sa jeep para mamalimos at composer ng kinakanta niya, nagkita na

- Natunton ng GMA News ang viral na binatilyong nagra-rap sa jeep isang araw na na maibahagi nia ang video nito

- Nakita nila itong nangangalakal at tanging ang kanyang lola na lamang niya ang naging kasama niya sa buhay

- Walang kaalam-alam ang binatilyo na nag-viral na pala ang kanyang video nang makunan siya ng isang pasahero na nagra-rap para manlimos

- Nagkita na rin sila ng MP Harmony na nais talaga siyang makilala at magkakaroon sila ng bagong kanta kung saan makakasama na nila ang viral rapper sa jeep

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Sa tulong ng GMA News, natunton na ang kinaroroonan ng viral na binatilyong nagra-rap sa jeep para mamalimos na si Prince John Candelaria.

Nalaman ng KAMI na natagpuan si Prince na nangangalakal sa Cavite at ito raw talaga ang kanyang ikinabubuhay.

Read also

Dating beauty queen, isang proud na transman na ngayon

18 taong gulang na si Prince at mula pagkabata, lola na niya ang kanyang naging kasama sa buhay.

Viral na nagra-rap sa jeep para mamalimos at composer ng kinakanta niya, nagkita na
Grupong MP Harmony (Photo from Symon Ortiz Bambao)
Source: Facebook

Wala ring kaalam-alam na viral na ang video na kuha sa kanya ng isang pasahero nang mag-rap siya sa isang jeep kapalit ang baryang mahihingi sa mga sakay nito.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ayon pa kay Prince, iniidolo niya talaga ang grupong MP Harmony lalo na at umantig sa puso niya ang kanta ng mga ito na 'Batang Lansangan.'

Naka-relate daw talaga si Prince sa awitin kaya naman ito ang kanyang naira-rap sa tuwing siya ay mamalimos sa mga jeep.

At dahil sa nag-viral ang video ni Prince, nakarating na rin ito sa mga orihinal na artist at singer nito na MP Harmony na agad siyang hinanap hindi lang para siya ay pasalamatan kundi para isama sa susunod nilang gagawing kanta.

Read also

Composer, hinahanap ang nag-viral na bata sa jeep na kumakanta ng kanyang awitin

Sa tulong ng GMA, nagkausap ang grupo at si Prince sa pamamagitan ng video call.

Ayon kay Symon Ortiz Bambao, ang composer at leader ng grupong MP Harmony, masaya silang natagpuan si Prince na nagbigay buhay sa kanila na gumawa ng bagong mga kanta.

Taong 2014 pa raw talaga ang "Batang Lansangan" na muli lamang napakinggan at nabigyang pansin dahil sa viral video ni Prince.

"Ngayong November po, maglalabas kami ng kanta na kasama po siya," pahayag ni Symon na labis namang nakapagpangiti kay Prince.

Nakalulungkot isipin na maging ang mga kabataan ay apektado rin ng pagsubok dulot ng pandemya.

Ang ilan sa kanila, tulad marahil ng viral na batang lalaki na sumasampa sa mga jeep para kumanta kapalit ang barya, nagsisikap na dumiskarte para sa sarili nila may mailaman lamang sa kanilang kumakalam na sikmura.

Karamihan kasi ay nawalan ng hanapbuhay, kaya naman ang mga ilang kabataan, tumutulong na rin sa pagtataguyod sa kanilang pamilya.

Ipinaaalala ng KAMI na maging maingat sa pagbibitiw ng komento o opinyon sa anumang isyu. Pakatandaan na sa bawat pagbibigay ng pahayag may kaakibat itong responsibilidad at pananagutan.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica