Single mom sa Cebu, nakapagpatayo pa ng bahay sa kabila ng pandemya

Single mom sa Cebu, nakapagpatayo pa ng bahay sa kabila ng pandemya

- Nakamamangha ang diskarte ng isang single mother sa Cebu na nakapagpatayo pa ng bahay sa gitna ng pandemya

- Hindi niya inutang ang anumang ipinambayad niya sa pagpapatayo ng kanyang bahay

- Talagang doble kayod umano ang kanyang ginawa at talagang pagtitipid kaya naman ngayong Disyembre makakalipat na sila ng kanyang tatlong mga anak

- Aminadong maging siya ay nagulat at hindi akalaing mayroon na siyang bahay na matatawag niyang kanya na talaga

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Marami ang bumilib sa single mother na si Wendy Arriesgado na nagawa pang maipatayo ang kanyang dream house sa gitna ng pandemya.

Nalaman ng KAMI na hindi inutang ni Wendy ang pagpapatayo ng kanyang two-storey house sa Cebu na pawang katas ng kanyang doble kayod at pagsisipag.

Single mom sa Cebu, nakapagpatayo pa ng bahay sa kabila ng pandemya
Photo from Wendy Arriesgado
Source: Facebook

Sa ulat ng GMA News, naikwento umano ni Wendy na halagang Php200,000 ang unang naipon niya upang masimulan ang magiging tahanan nila ng kanyang tatlong mga anak.

Read also

Kylie Padilla, pinag-ingat umano ng ama sa isang ex niya

Taong 2019 nang magdesisyon na siyang dalhin ang pamilya mula sa Cebu City patungo sa Daanbantayan kung saan sila mayroong lupa.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sinabi rin iyang team effort ang pagpapagawa ng bahay gayung ang mga anak niya ay nagsasakripisyo rin sa pagtitipid para sa pagpupundar ng kanilang dream house.

At sa Disyembre ngayong taon, tila magpa-Pasko na sina Wendy sa kanilang bagong tahanan.

"It's fulfilling. it's rewarding. All the hard work paid off. It's unbelievable na natapos siya."

Tunay na nakakabilib ang mga single mother na nagagawa pa rin na maitaguyod ang kanyang mga anak dala ng pagsusumikap at determinasyon.

Tulad na lamang ng ilan sa mga kababayan nating overseas Filipino workers na nagtitiis na mawalay sa mga anak, mabigyan lamang ang mga ito ng mas maayos na kinabukasan.

Read also

Gigi de Lana, hindi napigilang maiyak matapos amining heartbroken siya

Ang ilan sa kanila, sinuwerte sa amo at nabiyayaan pa ng higit pa sa inaakala nilang biyaya.

Dahil dito, maaga silang nakababalik sa Pilipinas upang makapiling ang mga mahal sa buhay at agad na makapagpundar upang hindi na muling mangibang-bansa pa.

Ang ilan naman, kahit nandito lamang sa Pilipinas, nabibigyan pa rin ng maayos na buhay ang kanilang mga anak kahit na wala silang katuwang pagpapalaki sa mga ito.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica