Bride na nagpa-vaccine muna bago ikasal, hinangaan ng marami
- Hinangaan ng marami ang isang bride na nagawa munang magpa-vaccine bago magpakasal
- Suot ang kanyang wedding gown, dumaan muna ito sa vaccination center
- Nagkataong nagkasabay kasi ang kanyang kasal at ang kanyang schedule para sa kanyang vaccination kontra COVID-19
- Matapos magpa-vaccine, dumiretso na raw ito sa simabahan para naman sa kanyang pakikipag-isang dibdib
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Viral ngayon ang larawan ng isang bride sa isla ng Kinatarcan sa Santa Fe town in Northern Cebu na nagawa muna magpa-vaccine kontra COVID-19 bago magpakasal.
Ayon sa The Freeman, nagkataong schedule din ng pagpapabakuna ng bride.
Hindi ito nagdalawang-isip na dumaan muna sa vaccination site at matapos ang kanyang pagpapabakuna ay agad na itong dumiretso sa simbahan para naman sa kanyang kasal.
Dahil dito, hinangaan siya ng mga netizens sa pagpapakita niya ng pagiging responsable hindi lamang para sa kanyang sarili kundi para sa kanyang pamilya at komunidad.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Narito ang ilan sa kanilang mga komento:
"Congrats and best wishes sa bride. And thank you for being taking the responsibility to protect yourself and others. Kudos!"
"Congratulations, best wishes in your marriage and thank you for setting good example."
"She's not thinking only for herself, but she's thinking for her future family..."
"I commend her for being responsible. Kudos to you Maam! Congrats on your Wedding!"
"Thank you maam for doing your part and getting vaccinated. And God bless your marriage"
"I see nothing wrong on what she did even though its her wedding day. That somehow show that she is committed on getting herself vaccinated. A very commendable action"
Sinasabing mahalaga ang pagkakaroon ng COVID-19 vaccine na magsisilbing armas at proteksyon natin upang hindi lumalala ang sintomas sakaling tamaan tayo ng virus na mahigit isang taon na tayong pinahihirapan.
Pinatunayan ito ng isang doktora na apat na beses nang tinamaan ng virus.
Malaki ang pasalamat niya na sa kada nagpopositibo siya sa COVID-19 ay nakaka-recover siya at kinakaya ito ng kanyang katawan.
Subalit ang mensaheng nais niya talagang iparating ay ang epekto umano ng vaccine sa kanya na sa ikaapat na pagkakataong tinamaan siya ng nakamamatay na virus ay hindi na siya nito pinahirapan gayung nakapagpabakuna na siya kontra COVID-19.
Source: KAMI.com.gh