Tricycle driver na may pa-libre sakay sa kanyang kaarawan, hinangaan
- Viral ngayon ang post ng isang netizen na naging pasahero ng tricycle driver na nagdiriwang pala ng kanyang kaarawan
- Nakapaskil kasi ang 'Free rides' o libre sakay bilang bahagi ng kanyang kaarawan
- Humanga ang pasahero dahil imbis na magpahinga sa kanyang kaarawan, naisip pang magpasaya ng ibang tao ng tricycle driver
- Maging ang mga netizens ay naantig ang puso sa kabutihang ipinakita ng tricycle driver
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Agaw-eksena sa social media ang post ng netizen na si Marilou Llobrera tungkol sa tricycle driver sa Lawang Bato, Valenzuela City na nagdiwang ng kanyang kaarawan noong Oktubre 18.
Nalaman ng KAMI na may paskil ang tricycle driver sa loob ng kanyang sasakyan na 'free rides' o libreng sakay bilang bahagi umano ng kanyang birthday celebration.
Sa halip na magpahinga at magdiwang sa kanyang tahanan kasama ng mga mahal niya sa buhay, pinili pa rin ng tricycle driver na magbigay tulong at mapangiti ang kanyang mga pasahero sa mismong araw ng kanyang kaarawan.
Sa tuwa ni Marilou, ibinahagi niya ang larawan ng post sa loob ng tricycle sa kanyang kaibigan at ito naman ang nagbahagi sa social media. Naibahagi rin ito ng GMA News.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Kwento ng pasahero, pauwi na siya nang alukin siya ng tricycle driver na may birthday ng libre sakay.
"Sa hirap po ng buhay ngayon instead na kumita pa siya buong maghapon, nagawa pa rin po niyang magbigay ng libreng sakay para po sa mga tao," pahayag ni Llobera
Isa ang tricycle sa pang-araw araw na pampublikong transportasyon ng mga Pilipino. Nakatutuwang isipin na maging ang mga tricycle driver ay isa rin sa mga taong nakakasalamuha natin araw-araw na nagbibigay ng inspirasyon sa atin dahil na rin sa pagmamalasakit nilang ipinakikita sa kanilang mga pasahero.
Tulad na lamang ng isang trike driver na nakapulot ng bagong laptop at perang nagkakahalaga ng Php52,000. Hindi nagdalawang-isip ang driver na hanapin at isauli ito sa may-aring alam niyang balisa na sa nawalang pera at gamit.
Gayundin ang isang tricycle driver na nagsauli ng perang nagkakahalaga ng Php167,000. Treasurer pala ng barangay ang kanyang naisakay at naiwan umano sa loob ng tricycle ang pouch na pinagsidlan ng pera. Laking pasalamat niya na mabuti at tapat ang tricycle driver na kanyang nasakyan.
Source: KAMI.com.gh