P167,000 na pasweldo, sinauli ng tricycle driver sa treasurer ng barangay

P167,000 na pasweldo, sinauli ng tricycle driver sa treasurer ng barangay

- Di pinag-interesan ng isang tricycle driver ang bag na naglalaman ng ₱167,000 na napulot niya sa kalsada

- Napag-alaman niyang ang treasurer ng barangay ang may-ari nito dahil sa mga papeles na nasa loob din ng bag

- Di raw ito ang unang beses na nagsauli ang tricycle driver na nakilalang si Ruel Prado, at kilala na nga ito sa pagiging matapat

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Kahanga-hanga ang ginawa ng isang tricycle driver sa Aguilar, Pangasinan kung saan sinauli nito ang isang bag na may lamang ₱167,000 sa kanilang barangay na buo at walang kulang.

Sa ulat ng GMA Balitambayan, namamasada daw noon ang tricycle driver na nakilalang si Ruel Prado nang makita nito da kalsada ang isang bag na naglalaman ng malaking halaga.

Nagulat man si Ruel sa laman, ngunit di raw talaga sumagi sa kanyang isip na itakbo at angkinin ang pera.

Dahil sa mga dokumentong nasa loob din ng bag, napag-alaman nitong ang treasure ng barangay ang siyang may-ari ng bag.

PAY ATTENTION: 15 Rare But Remarkable Images Of The Royal Family

Agad na dinala ni Ruel ang bag sa barangay na kinagulat naman ng mga tauhan doon lalo na ng treasurer. Di na raw niya inakala kasi na maibabalik pa ito sa kanya lalo na sa panhaon ngayon na tila dumarami na ang masasamang loob.

Kwento pa ng barangay treasurer na si Teresita Repato, sakay daw siya ng motor nang mahulog ang naturang bag sa kanya.

Pasuweldo pa niya ito sa mga tauhan ng barangay kaya naman ganito kalaking pera ang kanyang dala noon.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Samantala, di raw ito ang unang beses na nagsauli ng gamit na di sa kanya si Ruel. Ikaapat na beses na niyang nagsauli ng bagay na kanyang napupulot.

Dahil dito, proud ang kanyang mga ka-barangay sa paulit-ulit na pagpapamalas niya ng katapatan sa kapwa.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Do you want to have a good laugh? Check out this funny prank video filmed in the Philippines.

Funny Pranks: Messing Around With Filipinos | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Related news
Huthuterong kabit ni misis, naduwag, nagtago sa bahay nang sugurin ni mister para kunin ang asawa

Huthuterong kabit ni misis, naduwag, nagtago sa bahay nang sugurin ni mister para kunin ang asawa

Huthuterong kabit ni misis, naduwag, nagtago sa bahay nang sugurin ni mister para kunin ang asawa
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel