Guro, bumalik pa rin sa pagtuturo sa kabila ng pinagdaanan sa pagtanggal ng isang mata
- Marami ang humanga sa guro na si Jelly Rojas na bumalik pa rin sa serbisyo ng pagtuturo
- Ito ay sa kabila ng matinding pinagdaanan sa dalawang beses na operasyon sa kanyang mata
- Dahil sa hindi tuluyang nawala ang bukol sa likod ng kanang mata, kinailangan na itong tanggalin nang tuluyan bago pa maging isang cancer
- Ngayon, balik sa partuturo bilang Math teacher ng mga Grade 4 students at patuloy na nagbibigay ng inspirasyon sa marami
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Tunay na kahanga-hanga ang kwento ng buhay ni Teacher Jelly Rojas na natanggalan na ng kanang mata.
Nalaman ng KAMI na nagkaroon pala ng bukol sa likod ng mata si Jelly kaya naman para maagapan, sumailalim siya sa operasyon.
Kwento niya sa GMA News, nagpapahinga pa lamang siya mula sa unang operasyon, nakita ng dokto na mayroon pa ring bukol malapit sa mata niya kaya naman pinayuhan na siya nito na tanggalin nang tuluyan ang mata bago pa ito tuluyan na maging cancer.
"'Nung sinabi ng doktor na I need to give up may right eye, ngumiti lang ako sa kanya. 'Yung prayer ko is, wala na akong masabi, umiiyak na lang"
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Aminadong pinanghinaan sa mangyayari ngunit patuloy pa rin talaga ang pagdarasal ni Teacher Jelly para sa kanyang sitwasyon.
At nang maging matagumpay ang operasyon, hindi nagdalawang isip si Teacher na balikan ang kanyang pagtuturo ng Math sa mga Grade four students niya.
Sadyang nakakabilib ang determinasyon at pagtitiyaga ng mga guro lalo na ngayong panahon ng pandemya sa 'new normal' ng edukasyon.
Matatandaang kamakailan ay nag-viral din ang mga guro sa Zamboanga na sa unang araw ng klase noong Setyembre 13, inulan agad sila. Makikita ang hirap na kanilang sinusuong makapaghatid pa rin ng edukasyon sa gitna ng pandemya.
Gayundin ang mga guro na buwis-buhay na tumatawid sa rumaragasang ilog para lamang makapaghatid ng learning modules sa mga tahanan ng kani-kanilang mga estudyante.
Source: KAMI.com.gh