Lydia de Vega, nasa kritikal na kondisyon dahil sa kanser
- Kritikal ang kondisyon ni Lydia de Vega dahil sa kanyang stage 4 na kanser sa dibdib
- Ito ay ibinahagi ng anak niyang volleyball player na si Stephanie Mercado sa pamamagitan ng kanyang social media post
- Taong 2018 pa umano nang unang matuklasan ang tungkol sa kanyang kalagayan ngunit hindi nalaman ng publiko ang tungkol sa kanyang paglaban sa karamdaman
- Ayon sa anak niya, tuloy ang paglala ng kondisyon ng ina niya sa kabila ng mga medical procedure na ginawa sa kanya
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Nasa kritikal na kondisyon si Lydia de Vega dahil sa kanyang stage 4 na kanser sa dibdib. Ayon sa anak niyang volleyball player na si Stephanie Mercado, taong 2018 pa umano nang unang matuklasan ang tungkol sa kanyang kalagayan.
“She was diagnosed with this in 2018 and has been silently fighting the disease the past four years,”
Ayon pa sa anak niya, tuloy ang paglala ng kondisyon ng ina niya sa kabila ng mga medical procedure na ginawa sa kanya.
“As the disease is progressing, her condition is quickly worsening despite undergoing many procedures including brain surgery,”
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Nanawagan naman ang anak ni Lydia ng panalangin para sa ina at nagbaka-sakali na rin kung mayroong gustong magbigay ng tulong pinansiyal para sa kanyang gamutan.
“I am requesting everyone to please pray for her in this desperate time of need. If anyone would like to assist financially to cover her medical expenses, any donation would be deeply and whole-heartedly appreciated,”
Si Lydia De Vega ay kasapi ng Gintong Alay Track & Field program noong 1979. Una siyang tinuruan ng kanyang amang si Tatang De Vega at ni Claro Pellosis. Una siyang nakilala sa 1981 Southeast Asian (SEA) Games na ginanap sa Manila sa 200 at 400 meter events kung saan nahigitan niya ang mga naitalang record sa Asian Games.
Kabilang sa mga sikat na personalidad na nagkasakit ng cancer ay sina Wil Dasovich na ngayon ay cancer-free na, dating aktres at TV host na si Jaymee Joaquin at Maritoni Fernandez na magaling na rin sa kasalukuyan.
Samantala, kamakailan ay naging usap-usapan ang binahagi ni Maritoni na picture ng kanyang bagong beach house sa Morong, Bataan. Ginagawa pa lang umano ito ngunit malapit nang matapos. Inihayag naman ng aktres ang kanyang pasasalamat sa Panginoon sa natatanggap niyang biyaya.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh