Angelica Yulo, binati ang anak na si Eldrew Yulo sa pagkapanalo ng walong gintong medalya

Angelica Yulo, binati ang anak na si Eldrew Yulo sa pagkapanalo ng walong gintong medalya

  • Walong gintong medalya ang naiuwi ni Eldrew Yulo sa Chiu Wai Chung Cup sa Hong Kong kasama ang team event sa junior men’s artistic gymnastics
  • Nagwagi si Yulo sa individual all-around at lahat ng apparatus kabilang ang floor exercise, vault, parallel bars, horizontal bar, pommel horse, at still rings
  • Kabuuang 14 na ginto, anim na pilak, at limang tanso ang naiambag ng Pilipinas sa torneo para sa Gymnastics Association of the Philippines ngayong 2024
  • Nagpahayag ng pasasalamat ang ina ni Eldrew na si Angelica Yulo sa social media matapos ang tagumpay ng kanyang anak

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Walong gintong medalya ang naiuwi ni Eldrew Yulo sa Chiu Wai Chung Cup sa Hong Kong, ang huling laban ng pambansang koponan ng gymnastics para sa taong 2024.

Angelica Yulo, binati ang anak na si Eldrew Yulo sa pagkapanalo ng walong gintong medalya
Angelica Yulo, binati ang anak na si Eldrew Yulo sa pagkapanalo ng walong gintong medalya
Source: Facebook

Bumida si Eldrew sa junior men’s artistic gymnastics nang makuha ang individual all-around title at maghari sa lahat ng anim na apparatus – floor exercise, vault, parallel bars, horizontal bar, pommel horse, at still rings. Dagdag pa rito, bahagi rin siya ng koponan na nagkampeon sa team event.

Read also

Video ng fast food service crew na nakapasa sa LET, umantig sa mga netizens

Ang tagumpay ni Eldrew ay nag-ambag sa kabuuang 14 na gintong medalya, anim na pilak, at limang tansong medalya ng Pilipinas sa naturang torneo. Ito ay maituturing na makasaysayang pagtatapos para sa Gymnastics Association of the Philippines, kasunod ng dalawang gintong medalya na naiuwi ni Carlos Yulo sa Paris Olympics.

Sa panig ng senior men’s artistic gymnastics, nasungkit din ng koponan ang ginto sa team event.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Miguel Besana naman ay nagtamo ng mga gintong medalya sa seniors individual all-around, floor exercise, at pommel horse, habang si Justine Ace De Leon ay nanalo sa still rings at parallel bars. Nakuha rin ni Besana ang tatlong pilak sa still rings, parallel bars, at vault, at tansong medalya sa horizontal bar. Samantala, nag-uwi rin si De Leon ng tansong medalya sa vault.

Kabilang pa sa mga medalist sina Hillarion III Palles (bronze sa pommel horse at parallel bars), John Matthew Vergara (silver sa horizontal bar at bronze sa parallel bars), Jhon Romeo Santillan (silver sa floor exercise), at Jan Gwynn Timbang (silver sa pommel horse).

Read also

Jericho Rosales, buburahin daw ang kanyang calendar app matapos makita ang pics ni Janine Gutierrez

Sa isang social media post, ipinahayag ng ina ni Eldrew na si Angelica Yulo ang kanyang pasasalamat at saya para sa anak. Ayon sa kanya:

"Prayers granted. Medal sweep. Way to go. #YULOsiblings #TEAMyulo #ToGodBeAllTheGlory."

Ikinatuwa ng netizens at supporters ang tagumpay ni Eldrew na anila’y inspirasyon sa mga kabataan.

Si Angelica Yulo ay ang ina ni Carlos Yulo, isang kilalang gymnast na nagwagi ng mga gintong medalya sa mga internasyonal na kompetisyon, kabilang na ang Tokyo 2020 Olympics at 2024 Olympics. Bukod kay Carlos ay nakikilala rin ang dalawa pa niyang anak na sina Karl Eldrew at Elaiza Yulo sa larangan ng gymnastics.

Ayon sa batikang showbiz insider na si Ogie Diaz, isang pelikula ang nakatakdang ipagawa tungkol sa makulay na buhay ng "Ulirang Ina" awardee na si Angelica Yulo. Ibinunyag ni Ogie ang tungkol sa balitang ito sa kanyang Youtube channel na Ogie Diaz Showbiz Update.

Read also

Kathryn at Alden sa Hello Love Again: "Patapos na tayo so Joy and Ethan, signing off"

Tila puno ng pagmamalaki si Karl Eldrew Yulo, ang nakababatang kapatid ng two-time Olympic gold medalist na si Carlos Yulo, nang ibahagi niya ang pinakamahalagang bagay na libre niyang natanggap mula sa kaniyang mga tagumpay.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate