Bahay ng Pamilya Yulo sa Imus, Cavite, ibinebenta na
- Binebenta na ng pamilya Yulo ang kanilang bahay sa Imus, Cavite
- Makikita sa mga larawan ang dalawang palapag na property na binili nila ilang taon na ang nakalipas
- Naka-display ang mga parangal ni Carlos Yulo sa family room, kabilang ang kanyang gold medal sa 2021 Gymnastics World Championships
- Mas pinili ng pamilya Yulo na manirahan sa Leveriza Street, Manila kaya hindi naaasikaso ang property
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Ibinenta na ng pamilya Yulo ang kanilang property sa isang subdivision sa Imus, Cavite. Ayon sa post ng isa sa mga kamag-anak ni Mrs. Angelica Yulo, bukas na ang nasabing ari-arian para sa mga potensyal na buyer.
Sa mga larawang ibinahagi ng nagbebenta, makikita ang dalawang palapag na bahay na binili ng pamilya Yulo ilang taon na ang nakalipas. Pagpasok pa lang sa bahay, bubungad na ang maraming portrait na nakakabit sa paligid ng sala. Ilan sa mga parangal na natanggap ni Carlos Yulo mula sa iba’t ibang organisasyon at kompanya ay naka-display din sa family room.
Pag-akyat sa ikalawang palapag, makikita ang mga larawan ni Carlos, kabilang na ang pinakamalaking portrait na kuha mula sa kanyang matagumpay na pagkapanalo ng ginto sa Gymnastics World Championships noong 2021.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Sa kabila ng kagandahan ng ari-arian, matagal na itong hindi naaasikaso dahil mas pinili ng pamilya Yulo na manirahan sa Leveriza Street, Manila. Matatandaang ang nasabing property ang isa sa mga napabalitang naging sanhi ng hidwaan sa pagitan ni Carlos at ng kanyang mga magulang.
Ayon kay Mrs. Yulo, binili nila ang bahay bilang isang investment para sa kinabukasan ni Carlos. “In-invest namin sa bahay para makita din niya at pwede mong masabi na ‘ay may remembrance ako sa pera ko,’ kasi ‘yan ang sinasabi ko sa mga anak ko everytime na magkakaroon sila ng cash incentive, malaki o maliit, sinasabihan ko sila na bumili kayo ‘yung meron maalala niyo na ‘Ah galing ito sa palarong pambansa, ay galing ito sa cash incentives,’” pagbabahagi ni Mrs. Yulo.
Si Carlos Edriel Yulo ay isang kilalang gymnast mula sa Pilipinas na nagpakitang-gilas sa mga gymnastics competitions, lalo na sa floor exercise at vault. Bata pa lamang si Yulo nang magsimula siyang mag-ensayo, at nagkaroon siya ng pagkakataong mag-aral at magsanay sa Japan, kung saan higit pang nahasa ang kanyang kakayahan. Siya ang unang Pilipino na nagwagi ng gintong medalya sa World Artistic Gymnastics Championships noong 2019.
Matatandaang nag-post si Chloe San Jose ng mga larawan mula sa condominium ni Carlos Yulo.Ibinigay ng Megaworld ang P32 milyong condo bilang regalo kay Carlos dahil sa kanyang tagumpay. Pinuri naman ni Carlos ang bagong hairstyle ni Chloe sa social media. Umugong ang espekulasyon ng mga netizen na maaaring naninirahan na si Chloe sa condo ni Carlos.
Samantala, ibinulgar ni Chavit Singson na hindi na makontak ng pamilya niya si Carlos Yulo. Nag-alok si Singson ng P5-M pabuya para sa pagbabati-bati ng pamilya ni Yulo. Hinimok ni Singson si Caloy na unahin ang kanyang pamilya sa kabila ng tagumpay. Patuloy na umaasa si Singson na maaayos ang gusot sa pagitan ni Yulo at ng kanyang pamilya.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh