Angelica Yulo, ibinida ang mga regalo nina Elaiza at Eldrew Yulo

Angelica Yulo, ibinida ang mga regalo nina Elaiza at Eldrew Yulo

- Ipinakita ni Angelica Yulo ang mga regalo na natanggap niya mula kina Elaiza at Eldrew Yulo sa kanyang Facebook post

- Nagbigay si Elaiza ng Ginevra Elite Society Satchel mula sa Guess na nagkakahalaga ng P5,499

- Nagregalo naman si Eldrew ng Air Jordan 1 Low Metallic Gold na nagkakahalaga ng humigit-kumulang P10,500

- Pinuri ng netizens sina Elaiza at Eldrew sa kanilang suporta sa ina sa kabila ng mga isyung kinakaharap ng pamilya

Sa kabila ng mga isyu sa kanyang anak na si Carlos Yulo, ibinida ni Angelica Yulo ang regalong natanggap niya mula sa kanyang ibang mga anak na sina Eldrew at Elaiza Yulo.

Angelica Yulo, ibinida ang mga regalo nina Elaiza at Eldrew Yulo
Angelica Yulo, ibinida ang mga regalo nina Elaiza at Eldrew Yulo
Source: Facebook

Sa isang Facebook post, ipinakita ni Angelica ang mga regalong natanggap niya mula sa kanyang dalawang anak. Si Elaiza ay nagbigay sa kanya ng Ginevra Elite Society Satchel mula sa Guess na nagkakahalaga ng P5,499. Ayon kay Angelica, sinabi sa kanya ng anak na deserve niya ang ganoong bag, dahil kapag pera raw ang ibinigay, tiyak na gagastusin lamang ito para sa pamilya at hindi para sa sarili.

Read also

Angelica Poquiz Yulo, nakatanggap ng suporta mula sa netizens sa kanyang negosyo

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Samantala, si Eldrew naman ay nagregalo sa kanyang ina ng Air Jordan 1 Low Metallic Gold, na may halagang humigit-kumulang P10,500. Biro pa ni Angelica, si Eldrew ay hindi nagpahuli kay Elaiza sa pagbibigay ng regalo, at sinabi pa raw ni Eldrew na mayroon pa siyang naka-tabing pera para sa kanya.

Pati ang padre de pamilya na si Mark Andrew Yulo ay nakatanggap din ng regalo mula sa kanilang mga anak. Pinuri ng netizens sina Elaiza at Eldrew dahil sa kanilang suporta sa kanilang ina sa kabila ng matinding pagsubok na hinaharap ng kanilang pamilya dahil sa mga isyung bumabalot sa kanila at kay Carlos Yulo.

Si Carlos Edriel Yulo ay isang kilalang gymnast mula sa Pilipinas na nagpakitang-gilas sa mga gymnastics competitions, lalo na sa floor exercise at vault. Bata pa lamang si Yulo nang magsimula siyang mag-ensayo, at nagkaroon siya ng pagkakataong mag-aral at magsanay sa Japan, kung saan higit pang nahasa ang kanyang kakayahan. Siya ang unang Pilipino na nagwagi ng gintong medalya sa World Artistic Gymnastics Championships noong 2019.

Read also

Video kung saan makikita ang reaksiyon ni Carlos Yulo nang makita ang kanyang ama, viral

Ngayong 2024 Paris Olympics, si Yulo rin ang naging unang gymnast at lalaking atleta mula sa Pilipinas na nag-uwi ng gintong medalya. Samantala, ibinunyag ng ina ni Carlos Yulo na si Angelica Poquiz Yulo ang kanilang alitan dahil sa kasintahan ni Carlos na si Chloe San Jose.

Sa kabila ng mga paratang na siya ang ugat ng tensyon sa pagitan ni Carlos at ng kanyang pamilya, nanatiling matatag si Chloe San Jose. Sa comment section ng kanyang post, tinanong pa niya kung bakit nawala ang video ng panayam sa ina ni Carlos at humiling ng kopya para sa kanyang reference.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate