Hidilyn Diaz, isiniwalat kung bakit sa Malaysia pa siya nag-training; "'Di ako maka-focus"

Hidilyn Diaz, isiniwalat kung bakit sa Malaysia pa siya nag-training; "'Di ako maka-focus"

- Naipaliwanag na ni Hidilyn Diaz kung bakit kinakailangan pang sa Malaysia siya mag-training

- Bukod sa inabutan na sila ng pandemya roon, sinabi niyang hindi siya makapag-focus kung siya ay nasa sariling bansa

- Marami umano kasing mga imbitasyon sa kanya kung narito lamang siya sa bansa

- At bahagi ng imbitasyon ang pagkain na isa rin sa kailangan niyang 'iwasan' o limitahan bilang paghahanda sa Olympics

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sa masasabing kauna-unahang pagkakataon, nasagot na ang tanong ng marami kung bakit sa Malaysia pa nag-training si Hidilyn Diaz bilang paghahanda sa Tokyo 2020 Olympics.

Sa panayam sa kanya ni Boy Abunda, isa sa mga naitanong ng mahusay na talk show host ang tungkol sa pag-eensayo ni Hidilyn at kung bakit Malaysia ang napili nitong lugar.

Hidilyn Diaz, isiniwalat kung bakit sa Malaysia pa siya nag-training; "'Di ako maka-focus"
Photo: Hidilyn Diaz (@hidilyndiaz)
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI na halos dalawang taon ito sa nasabing bansa kung saan inabot na sila ng pandemya.

Read also

Ina ni Marjorie Abastas, sinabing alas 3 ng madaling araw nag-umpisang magluto

Paliwanag ni Hidilyn, hindi siya makapag-focus kung narito lamang siya sa bansa.

"Siyempre noong una nagti-training na kami China, Taiwan nagti-training kami doon. Kaya lang biglang nagkaroon ng COVID last year so akala namin maging ok na e. Good thing coach Gao, kilala niya 'yung former Chinese coach ng Malaysia so in-invite kami 'dun na doon kami mag-training."

"Kasi 'pag nandito po ako, hindi po ako makakapag-focus ng maayos kasi parati po akong nasa labas. After training may mga interviews may mga events, invitations, kakain sa labas so hindi po ako nakakaiwas sa temptation ng pagkain," paliwanag ni Hidilyn.

Isa kasi ang pagkain sa dapat niyang limitahan o pangalagaan bilang paghahanda pa rin sa Olympics.

Lahat naman ng sakripisyo ni Hidilyn at ng kanyang Team HD ay nagbunga nang masungkit niya ang pinakaunang gintong medalya ng Pilipinas mula sa Olympics.

Narito ang kabuuan ng panayam kay Hidilyn mula sa The Boy Abunda Talk Channel:

Read also

Hidilyn Diaz, naikwentong nagalit umano ang China team sa isang coach niyang Chinese

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Hidilyn Francisco Diaz ay isang Pinay weightlifter. Sumali siya sa 2008 Summer Olympics kung saan siya ang pinakabatang kalahok sa women's 58-kg category. Naging bronze medalist din siya sa 2007 SEA Games sa Thailand at nakuha niya ang 10th place sa 2006 Asian Games sa 53-kilogram category.

Bukod sa gold medal na nakuha niya sa women's 55 kilogram category sa Tokyo 2020 Olympics, matatandaang naiuwi din ni Hidilyn ang tatlong gintong medalya sa 2020 Weightlifting World Cup.

Sa dami ng mga naipangakong regalo kay Hidilyn sa pagsungkit ng gintong medalya sa olympics, hangad naman ng 1996 Summer Olympics silver medalist na si Onyok Velasco na matanggap ni Hidilyn ang lahat ng dapat nitong matanggap.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica