Hidilyn Diaz, naikwentong nagalit umano ang China team sa isang coach niyang Chinese

Hidilyn Diaz, naikwentong nagalit umano ang China team sa isang coach niyang Chinese

- Naikwento ni Hidilyn Diaz na nagalit umano ang China weightlifting team sa isa sa kanyang coach na Chinese

- Ito ay dahil sa hindi pagbabahagi ng kung anoman ang kakayanan na ni Hidilyn sa kanyang pag-eensayo

- Paglilinaw ni Hidilyn, naroon ang kanyang coach para sa kanya bagaman at isa itong Chinese na naging mahigpit niyang kalaban sa pagsungkit ng gintong medalya

- Gayunpaman, nabanggit ng gold medalist na 'powerhouse' na talaga ang China pagdating sa weightlifting

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Naikwento ni Hidilyn Diaz na bahagyang nagalit ang China weightlifting team sa isa niyang coach na Chinese.

Sa panayam sa kanya ni Karen Davila sa ANC, nabanggit ni Hidilyn ang sitwasyon kung saan halo ang emosyon ng kanyang Chinese coach na si Gao Kaiwen sa pagkapanalo ng pambato ng Pilipinas.

Hidilyn Diaz, naikwentong nagalit umano ang China team sa isang coach niyang Chinese
Hidilyn Diaz (Photo credit: Hidilyn Diaz)
Source: Instagram

Ito ay dahil isa siyang Chinese at ang naging mahigpit na kalaban ni Hidilyn para sa gintong medalya ay mula China na si Liao Qiuyun.

Read also

Mariel Padilla, sinabi kay Robin na makikipaghiwalay siya 'pag magloko ang asawa

"Symepre, hindi makapaniwala ang China e, na ganito na ako kalakas. Syempre si Coach din hindi niya na-share sa China."

Medyo nagalit daw talaga ang China team kay Coach Gao dahil hindi nito naibahagi ang kalakasan na ni Hidilyn.

"Nandito kasi siya to work for me, para palakasin ako. So syempre, mixed feeling 'yun," paliwanag ni Hidilyn

Gayunpaman, binigyang puri pa rin ni Hidilyn ang China Team na tinawag pa niyang 'powerhouse' pagdating sa weightlifting.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Hidilyn Francisco Diaz ay isang Pinay weightlifter na unang nakasungkit ng gintong medalya para sa bansa sa Olympics. Sumali siya sa 2008 Summer Olympics kung saan siya ang pinakabatang kalahok sa women's 58-kg category. Naging bronze medalist din siya sa 2007 SEA Games sa Thailand at nakuha niya ang 10th place sa 2006 Asian Games sa 53-kilogram category.

Read also

Hidilyn Diaz, patuloy na sasabak sa iba pang weightlifting competition

Matapos ang makasaysayang pagkapanalo, taos-pusong nagpasalamat si Hidilyn sa suporta ng MVP Sport Foundation.

Isa rin ang nasabing Sports Foundation sa magbibigay ng Php10 million kay Hidilyn sa pagkapanalo ng pinakaunang ginto ng bansa sa Olympics.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica