2008 interview kay Hidilyn Diaz ukol sa pagiging Olympic gold medalist, muling nag-viral
- Muling nag-viral ang interview ng GMA News kay Hidilyn Diaz noong 2008
- Noo'y 17-anyos pa lamang si Hidilyn na kakapasok pa lang din sa larangan ng weightlifting
- Inihahanda na siya noon para sa Beijing Olympics at kinakitaan na talaga siya ng potensyal ng kanyang coach noon
- Nabanggit din nito ang kanyang pangarap pa lamang na maging isang Olympic gold medalist na ngayon, makalipas ng 13 taon ay naisakatuparan na
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Tila naging 'law of attraction' ang pahayag ni Hidilyn Diaz sa interview sa kanya noong 2008.
Nalaman ng KAMI na 17-anyos pa lamang noon si Hidilyn na naghahanda para sa Beijing Olympics.
Naging coach pa niya noon si Ramon Solis, ang huling weightlifter na lumahok sa Olympics noon pang 1988.
Noon pa man, kinakitaan na ni Solis si Hidilyn ng potensyal na napiling larangan. Sumasabak na rin noon sa long term program at training si Hidilyn na talagang determinadong maging kampeonato.
Nabanggit din ni Hidilyn sa naturang interview ang sinasabing pahiwatig umano sa kanya ng Diyos na balang araw ay magiging Olympic gold medalist siya.
"Ang Diyos po, kasi parang pinapahiwatig niya sa akin na... Someday dadalhin ko yung flag ng Pilipinas sa weightlifting as gold medalist sa Olympics"
At makalipas nga ang 13 taon, naisakatuparan na ito ni Hidilyn dala na rin ng kanyang dedikasyon sa pagiging isang atleta sa larangan ng weightlifting.
Narito ang kabuuan ng pahayag mula sa Youtube ni Dan C. Rivera:
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Si Hidilyn Francisco Diaz ay isang Pinay weightlifter. Sumali siya sa 2008 Summer Olympics kung saan siya ang pinakabatang kalahok sa women's 58-kg category. Naging bronze medalist din siya sa 2007 SEA Games sa Thailand at nakuha niya ang 10th place sa 2006 Asian Games sa 53-kilogram category.
Bukod sa gold medal na nakuha niya sa women's 55 kilogram category sa Tokyo 2020 Olympics, matatandaang naiuwi din ni Hidilyn ang tatlong gintong medalya sa 2020 Weightlifting World Cup.
Sa dami ng mga naipangakong regalo kay Hidilyn sa pagsungkit ng gintong medalya sa olympics, hangad naman ng 1996 Summer Olympics silver medalist na si Onyok Velasco na matanggap ni Hidilyn ang lahat ng dapat nitong matanggap.
Nais ipaalala ng KAMI na sa kabila ng kalayaan ng bawat isa sa pagbibigay ng komento o opinyon, lagi pa ring isaalang-alang ang pagrespeto sa kapwa. Tandaan, na sa bawat binibitawang pahayag, mayroon itong kaakibat na pananagutan at responsibilidad.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh