Hidilyn Diaz, to receive ₱33 million for winning PH's first Olympic gold

Hidilyn Diaz, to receive ₱33 million for winning PH's first Olympic gold

- Aabot sa P33 million ang matatanggap ni Hidilyn Diaz sa pagkapanalo nito ng pinkaunang gold medal ng Pilipinas sa Olympics

- Base sa Republic Act 10699, makatatanggap ng P10 million ang sinumang mananalo ng gintong medalya para sa individual events

- Ang MVP Sports Foundation naman ay naglaan din ng P10 million para sa mga mananalo ng ginto sa olympics

- Habang may ilang personalidad ang nagbigay ng pledge ng ilang million para pa rin sa mga mag-uuwi ng ginto

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Aabutin ng Php33 million ang matatanggap ni Hidilyn Diaz sa pagkapanalo nito ng unang gintong medalya para sa Pilipinas mula sa Olympics.

Nalaman ng KAMI na naitala sa kasaysayan ng bansa nitong Hulyo 26 ang unang gold medal ng Pilipinas dahil sa weightlifter na si Diaz na nagwagi sa women's 55 kilogram category.

Read also

Alex Gonzaga at DOTr Sec. Tugade, magbibigay ng e-trike sa masuwerteng nanood ng kanilang vlog

Ito ang pinakaunang gintong medalya na nakamit ng Pilipinas sa loob ng 97 na taon.

Hidilyn Diaz, to receive at least ₱33 million for winning the first PH gold from the Olympics
Ang paghahanda ni Hidilyn Diaz para sa Tokyo Olympics (Photo credit: @hidilyndiaz)
Source: Instagram

Ayon sa GMA News, nakasaad sa Republic Act 10699 na ang sinumang mananalo ng ginto mula sa mga individual categories sa Olympics ay makatatanggap ng Php10 million.

Si MVP Sports Foundation chairman Manny V. Pangilinan ay naglaan din ng Php10 million sa sinuman ang makapag-uuwi ng gintong medalya para sa bansa.

Samantala, nabanggit din ni Philippine Olympic Committee and Rep. Abraham Tolentino Philippine Sportswriters Association forum na maging ang business tycoon na si Ramon S. Ang ay may nilaang P10 million sa bawat gintong medalyang makakamit ng mga Pilipino mula sa Tokyo 2020 Olympics.

Maging ang dating atleta na si Rep. Mikee Romero ay magbibigay ng Php3 million pesos sa mga Pinoy gold medalist.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Read also

Hidilyn Diaz, nasungkit ang kauna-unahang gintong medalya ng Pilipinas sa Olympics

Si Hidilyn Francisco Diaz ay isang Pinay weightlifter. Sumali siya sa 2008 Summer Olympics kung saan siya ang pinakabatang kalahok sa women's 58-kg category. Naging bronze medalist din siya sa 2007 SEA Games sa Thailand at nakuha niya ang 10th place sa 2006 Asian Games sa 53-kilogram category.

Matatandaang naiuwi din ni Hidilyn ang tatlong gintong medalya sa 2020 Weightlifting World Cup.

Taong 2016 nang makamit naman niya ang silver medal mula sa Rio Olympics at mula noong, aging kontrobersiyal ang paghingi ni Hidilyn ng suporta para sa kanyang training para sa 2020 Olympics.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica