Hidilyn Diaz, nasungkit ang kauna-unahang gintong medalya ng Pilipinas sa Olympics

Hidilyn Diaz, nasungkit ang kauna-unahang gintong medalya ng Pilipinas sa Olympics

- Hindi napigilang maging emosyonal ng pambato ng Pilipinas sa weightlifting na si Hidilyn Diaz

- Ito ay matapos niyang maiuwi ang kauna-unahang gold medal ng Pilipinas sa Olympic Games

- Tinalo ni Hidilyn ang pambato ng China na si Liao Qiuyun na nakakuha ng silver at bronze naman para kay Zulfiya Chinshanlo ng Kazakhstan

- Sa isang panayam naman ni Gretchen Ho, masayang pinasalamatan ni Hidilyn ang Panginoon at ang lahat ng mga taong sumuporta at nagdasal para sa kanya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Hindi napigilan ni Hidilyn Diaz na maging emosyonal matapos niyang mapanalunan ang gintong medalya sa 2020 Tokyo Summer Olympic Games sa larangan ng weightlifting. Siya ang kauna-unahang Pinoy na nakasungkit ng ginto sa Olympics.

Hidilyn Diaz, nasungkit ang kauna-unahang gintong medalya ng Pilipinas sa Olympics
Hidilyn Diaz wins Gold during the 2020 Tokyo Summer Olympic Games in Tokyo, Japan. (Photo By Brendan Moran/Sportsfile)
Source: Getty Images

Sa loob ng 97 taon na kasali ang bansa sa lympics, naging mailap ang gintong medalya. Kaya naman, sa panayam ni Gretchen Ho sa atleta, sinabi niyang kayang-kaya ng mga Pinoy na manalo ng ginto sa Olympics.

Read also

Ina ng Olympic gold medalist na si Hidilyn Diaz, super proud sa tagumpay ng anak

Ayon sa ulat ni Chia Han Keong sa Yahoo News, tinalo niya ang pambato ng China na si Liao Qiuyun of China at si Zulfiya Chinshanlo ng bansang Kazakhstan.

Ito ang pang-apat na beses na sumali si Hidilyn sa Olympics ayon naman sa isang ulat ng Inquirer.

Samantala, sa isang panayam naman ni Gretchen Ho, masayang pinasalamatan ni Hidilyn ang Panginoon at ang lahat ng mga taong sumuporta at nagdasal para sa kanya.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Hidilyn Francisco Diaz ay isang Pinay weightlifter. Sumali siya sa 2008 Summer Olympics kung saan siya ang pinakabatang kalahok sa women's 58-kg category. Naging bronze medalist din siya sa 2007 SEA Games sa Thailand at nakuha niya ang 10th place sa 2006 Asian Games sa 53-kilogram category.

Matatandaang naiuwi din ni Hidilyn ang tatlong gintong medalya sa 2020 Weightlifting World Cup.

Read also

Hidilyn Diaz, to receive ₱33 million for winning PH's first Olympic gold

Matatandaang naging kontrobersiyal ang paghingi ni Hidilyn ng suporta para sa kanyang training para sa 2020 Olympics.

Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate