Imee Marcos may tanong kay PBBM sa appointment ni Remulla
- Sen. Imee Marcos nagtanong sa kapatid niyang si Pangulong Bongbong Marcos hinggil sa pagtalaga kay DOJ Sec. Boying Remulla bilang Ombudsman
- Tinawag ni Imee na “palpak” ang mga naunang plano at tinukoy ang appointment bilang “Plan C”
- Ipinahayag ng senadora ang kanyang pag-aalala sa kaligtasan ni Vice President Sara Duterte
- Ayon kay Imee, ang kailangan ng bansa ay isang “People’s Ombudsman” na kapanipaniwala at may tiwala ng publiko
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!
“Bonget, si Boying talaga? Sure ka? Ok ka pa ba?” — ito ang diretsong mensahe ni Senator Imee Marcos sa kanyang kapatid na si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., matapos italaga ni PBBM si Department of Justice (DOJ) Secretary Boying Remulla bilang bagong Ombudsman ng bansa.

Source: Facebook
Ang appointment ni Remulla ay nagdulot ng halo-halong reaksiyon mula sa mga opisyal ng gobyerno at sa publiko. Isa siya sa pitong aplikanteng nakapasok sa shortlist ng Judiciary and Bar Council (JBC) matapos ang pagreretiro ni dating Ombudsman Samuel Martires noong Hulyo.
Batay sa ulat ng GMA News, nagpahayag si Sen. Imee ng pagdududa at pagkabahala sa desisyon ng Pangulo. Sa kanyang pahayag, binanggit niyang ilang ulit na siyang nagbabala sa desisyon ng Malacañang kaugnay ng mga plano sa politika.
“Nakaraang taon ko pa sinasabi, palpak ang plan A na People’s Initiative, palpak ang plan B na impeachment, plan C itong sa Ombudsman,” ayon sa kanya.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Bago pa man ang appointment, si Sen. Imee ay nagsampa ng reklamo sa Ombudsman laban sa limang opisyal ng gobyerno, kabilang na si Remulla, kaugnay ng umano’y pag-aresto at paglilipat sa kustodiya ng dating Pangulong Rodrigo Duterte patungo sa International Criminal Court (ICC) sa The Hague, Netherlands.
Ipinahayag din ng senadora na ngayon, ang kaligtasan ni Vice President Sara Duterte ang kanyang pangunahing inaalala. “Sa ngayon, ang iniisip ko na lamang ay kaligtasan ng buhay ni VP Sara. Palagay ko ang kailangan natin ay People’s Ombudsman, ‘yung kapanipaniwala, katiwa-tiwala at hindi kasapakat ng kung sino,” ani Imee.

Read also
Tax evasion, ikinaso ng BIR sa mag-asawang Discaya; hindi binayarang buwis, umabot sa mahigit ₱7B
Matatandaang dati na ring inamin ni Sen. Imee na tutol siya sa posibleng pagtalaga kay Remulla sa naturang posisyon, dahil umano sa pangambang magagamit ito laban sa mga Duterte. Naniniwala siyang may plano ang ilang grupo na ipasok sa kulungan si VP Sara, bagay na tinawag niyang “delikado” para sa politika ng bansa.
Sa gitna ng mga patutsada, nanatiling tikom ang Malacañang sa isyu at wala pang inilalabas na pahayag ang Pangulo hinggil sa komento ng kanyang kapatid. Gayunman, patuloy na umaani ng diskusyon online ang appointment ni Remulla, lalo na sa gitna ng mainit na ugnayan at kompetisyon sa pagitan ng Marcos at Duterte camps.
Si Imee Marcos ay nakatatandang kapatid ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at anak ng dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr. at dating Unang Ginang Imelda Marcos. Kilala siya sa kanyang prangka at matapang na estilo ng politika, at madalas ding magbigay ng mga pahayag na nagiging viral sa social media.
Bilang senador, si Imee ay tumututok sa mga isyung pang-ekonomiya, edukasyon, at pambansang soberanya, ngunit hindi rin siya natatakot magpahayag ng di-pagsang-ayon sa ilang hakbang ng Malacañang — kahit pa ito ay galing sa kanyang sariling kapatid.
Kamakailan, naging usap-usapan online ang biglaang pag-alis ni Sen. Imee Marcos sa group chat ng mga senador matapos ang pagtatalo kay Sen. Ping Lacson. Ayon sa mga ulat, hindi nagustuhan ni Imee ang tono ng diskusyon, dahilan para umani ng atensyon at mga meme sa social media.
Nagbigay naman ng reaksyon si dating Senate President Tito Sotto sa ginawa ni Imee. Ayon sa kanya, hindi na bago sa Senado ang mga tensyon sa group chat, ngunit inilarawan niyang “colorful” at “unfiltered” ang personalidad ni Imee — dahilan kung bakit madalas siyang laman ng mga balita.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh