Sen. Raffy Tulfo, natanong kung bakit siya pumirma sa pagsuporta kay Sen. Tito Sotto

Sen. Raffy Tulfo, natanong kung bakit siya pumirma sa pagsuporta kay Sen. Tito Sotto

  • Si Senator Raffy Tulfo ay naitanong kamakailan tungkol sa pagpirma niya sa petition
  • Isa kasi si Tulfo sa pumirma na maibalik si Senator Tito Sotto bilang Senate President
  • Nang makita siya ng media, agad nila itong tinanong tungkol sa naging desisyon niya
  • Matatandaang opisyal na ngang pinalitan ni Sen. Sotto si Senator Francis 'Chiz' Escudero

Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!

Senator Raffy Tulfo, isang kilalang personalidad at politiko sa bansa, ay diretsahang sinagot ang mga tanong kung bakit niya pinirmahan ang petisyon na pabor kay Senator Vicente 'Tito' Sotto.

Sen. Raffy Tulfo, natanong kung bakit siya pumirma sa pagsuporta kay Sen. Tito Sotto
Photos: Senate PRIB via @gmanews on X | GMA Integrated News on YouTube
Source: Twitter

Sa isang video na ibinahagi ng GMA Integrated News, maririnig ang isang babae sa background na nagtatanong: "Why did you sign, sir?" na tumutukoy sa petisyon para maibalik si Sotto bilang Senate President. Ngumiti na lamang si Tulfo habang nag-iisip at nakaharap sa media bago tuluyang tumugon sa mga tanong sa kanya: "Why did I sign? Because I just want to sign."

Read also

Ogie Alcasid, natanong tungkol sa intriga sa relasyon ni Ryan Bang at Paola Huyong

Ngunit nang muli siyang piniga ng media kung bakit siya pumirma, tumanggi na siyang magbigay ng detalye at sagot niya, "Kausapin niyo siguro yung mga dapat kausapin."

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Matatandaang iniulat ng Inquirer na opisyal nang pinalitan ni Sotto si Senator Chiz Escudero bilang Senate President. Ayon naman sa PhilStar, nakakuha si Sotto ng sapat na boto upang makabalik sa puwesto, kasabay ng mga lumalabas na balitang 'ousting' umano kay Escudero nitong Monday, September 8, bagay na pumukaw sa atensyon ng mamamayang Pilipino.

Hindi ito ang unang pagkakataon na naging laman ng balita si Sotto pagdating sa mundo ng politika. Noong August nga ay iniulat ng GMA News na naghain siya ng panukalang batas na naglalayong magkaroon ng full disclosure ng mga government records at transaksyon na may kinalaman sa pampublikong interes, bagay na pinuri naman ng ilang mga Pilipino online.

Panoorin ang video sa ibaba:

Read also

Ramon Tulfo ipinagtanggol si Heart Evangelista laban sa “nepo wife” issue

Si Raffy Tulfo ay isang kilalang broadcast journalist, radio personality, at senador sa Pilipinas na nakilala dahil sa kanyang programang Wanted sa Radyo. Sa nasabing programa, tinutulungan niya ang mga ordinaryong mamamayan na nakakaranas ng pang-aabuso, panlilinlang, o hindi makatarungang trato mula sa iba't ibang tao o institusyon. Noong 2022, mas lalo pang lumawak ang kanyang impluwensya nang mahalal siya bilang isa sa mga senador ng bansa. Sa Senado, ipinagpapatuloy niya ang kanyang adbokasiya para sa mga karaniwang mamamayang Pilipino.

Sa nakaraang ulat ng KAMI ay naging usap-usapan ang kapatid ni Senator Raffy Tulfo na si Erwin Tulfo dahil suportado nito ang panukalang batas na nagbabawal sa political dynasties. Sinabi niyang handa siyang magbitiw sakaling maisabatas umano ito. Ipinahayag din niyang hihikayatin niya ang kanyang mga kaanak na tumigil sa politika sakaling maisabatas ito. Kasalukuyan siyang nasa ikaapat na puwesto sa senatorial race ayon sa Comelec count.

Samantalang noong January naman ay inamin ni Senator Raffy Tulfo na nahuli ang sasakyan ng kanyang anak na si Quezon City Rep. Ralph Wendel Tulfo sa paggamit ng EDSA Busway. Sinita naman ni Senator Tulfo ang kanyang anak at pinuri ito sa pag-amin ng pagkakamali at paghingi ng paumanhin. Ipinaliwanag ni Senator Tulfo na mahalaga ang pagtanggap ng responsibilidad lalo na para sa mga public servant.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Chris Franco avatar

Chris Franco