"Personal notes" ni Vico Sotto sa mga sagot ni Sarah Discaya sa SBRC hearing, viral
- Si Vico Sotto ay nagbahagi ng kanyang "personal notes" sa Facebook kamakailan
- Tungkol ito sa pagdalo ni Sarah Discaya sa Senate Blue Ribbon Committee hearing
- Sa simula pa lang ng kanyang post, agad nang napatanong si Vico sa katotohanan
- Di lamang opinyon niya, kundi pati na rin timestamps ang ininclude niya sa post
Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!
Si Vico Sotto, ang Mayor ng Pasig City, ay nagbahagi ng kanyang "personal notes" sa Facebook matapos mapanood ang pagdalo ni Sarah Discaya sa Senate Blue Ribbon Committee hearing. Agad na naging viral ang post ng alkalde matapos nitong ilahad hindi lamang ang kanyang mga opinyon kundi pati ang mga timestamp ng ilang pahayag ni Sarah na kanyang kinuwestiyon.

Source: Facebook
Sa bahagi ng hearing kung saan tinanong ni Sen. Erwin Tulfo si Sarah tungkol sa 9 companies umano nito, ibinahagi ni Vico ang kanyang reaksyon kay Sarah: "BUT WHAT'S THE TRUTH? Nadulas din siya (o nalito na sa lahat ng kasinungalingan?) sa loob lamang ng ilang minuto..."
Nang sumingit naman si Sen. Jinggoy Estrada at muling sinuri ang mga sagot ni Sarah, muling nagkomento ang mayor kung ano ba ang 'pinagtatakpan' nila umano: "Hindi ko alam kung ano pa ang pinagtatakpan nila pag dating sa pera nila, pero halatang gumagamit sila ng mga dummy."
Isa pa sa mga punto na binigyang-diin ni Vico ay kung paano umano nagawa ni Sarah na makabili ng majority stake gamit ang halos ₱888M sa kabila ng kanyang sahod umano.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
"Imagine being able to afford almost ₱888M in paid-up capital with a salary of less than ₱40K/month! When asked where she got the money, she said she borrowed ₱7M from her uncle. How did it reach ₱888M, Sen. Estrada asked. Her answer: 'Nung kumikita na po si St. Timothy, wala po akong nilalabas na sarili kong kita.' But that still doesn't answer the question... again, how did she get ₱888M to buy the majority stake in a billion-peso company?" ani Vico sa post.
Sa pagtatapos ng kanyang post, iginiit ni Vico na mas marami pang kailangang tuklasin, hindi lang tungkol sa mga Discaya kundi pati na rin sa buong sistema. Pinanawagan niya ang mabilis na aksyon mula sa mga kinauukulang ahensya upang hindi makaligtas ang dapat managot.
"We will continue to do our part. Hindi tayo papayag na basta na lang tatahimik at mawawala ang isyu pagkatapos ng ilang buwan; kailangan may managot. Contractors, Politicians, and DPWH and other government employees. Kung hindi, paulit-ulit lang 'to mangyayari sa bayan natin," ayon kay Vico, bagay na sinang-ayunan naman ng ilang mga netizens sa social media sites.
Si Vico Sotto ay isang politiko sa Pilipinas na naglilingkod bilang Mayor ng Pasig City. Anak siya ng mga kilalang personalidad — sina Vic Sotto at Coney Reyes — ngunit pinili niyang tahakin ang landas ng public service sa halip na showbiz. Nagtapos siya ng Political Science (AB) at Master of Public Management mula sa Ateneo de Manila University. Simula nang maupo siya bilang Mayor ay kinilala siya bilang isa sa 12 Global Anti‑Corruption Champions ng U.S. State Department dahil sa kanyang mga hakbang tungo sa mas malinaw at bukas na pamahalaan noong 2021.
Sa nakaraang ulat ng KAMI ay muli na namang naging usap-usapan ang Mayor ng Pasig City na si Vico Sotto. Kamakailan ay nag-post kasi si Mayor Vico ng '360' video sa kanyang Instagram. Ito ay kuha mula sa kanyang oathtaking para sa ikatlong termino niya bilang Mayor. Tila labis namang kinagiliwan naman ng netizens ang kakaibang 'edit' ng video na ipinost ni Vico.
Samantalang noong June ay inihayag ni Mayor Vico Sotto ng Lungsod ng Pasig na hindi siya tatakbo sa anumang posisyong pampulitika sa Halalan 2028 sa kanyang oathtaking. Ayon sa kanya, ang pahayag na ito ay nagpapalaya sa kanya at nagbibigay daan upang maka-focus siya nang buo sa paggawa ng mga bagay na alam niyang tama sa huling termino niya bilang mayor.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh