Dating kongresista Arnie Teves, kailangan ng appendectomy ayon sa kanyang abogado

Dating kongresista Arnie Teves, kailangan ng appendectomy ayon sa kanyang abogado

  • Isinugod kamakailan si Arnie Teves sa isang hindi pinangalanang ospital matapos makaranas ng matinding pananakit ng tiyan, na kalauna’y napag-alamang sintomas ng appendicitis
  • Ayon kay Atty. Ferdinand Topacio, abogado ni Teves, kinakailangan ng kanyang kliyente na sumailalim sa isang appendectomy, ang pag-alis ng appendix na posibleng may impeksyon
  • Si Teves ay naharap sa iba’t ibang kaso kabilang ang umano’y pagkakaugnay niya sa pagpatay kay dating Negros Oriental Governor Roel Degamo at siyam pang indibidwal noong Marso 2023
  • Matapos ang dalawang taong pagkakalayo, kamakailan lang ay naibalik sa bansa si Teves mula Timor-Leste, kung saan siya naaresto dahil sa expired visa at kawalan ng legal na dokumento sa pananatili roon

Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!

Kinumpirma ng kampo ni dating Negros Oriental Congressman Arnolfo “Arnie” Teves na sasailalim sa isang appendectomy ang dating mambabatas matapos itong isugod sa ospital dahil sa matinding pananakit ng tiyan. Ayon kay Atty. Ferdinand Topacio, abogado ni Teves, kailangang tanggalin ang appendix ng kanyang kliyente, na pinaniniwalaang may impeksyon at posibleng pumutok kung hindi maagapan.

Dating kongresista Arnie Teves, kailangan ng appendectomy ayon sa kanyang abogado
Dating kongresista Arnie Teves, kailangan ng appendectomy ayon sa kanyang abogado (📷ABS-CBN News)
Source: Original

Sa ulat mula sa ABS-CBN News, isiniwalat ng abogado na dumaranas si Teves ng masidhing abdominal pain bago siya dalhin sa isang ospital na hindi na isinapubliko para sa kanyang seguridad. Ang naturang kondisyon ay nagdulot ng pag-aalala sa kampo ni Teves, lalo na’t kasalukuyan siyang nakadetine dahil sa serye ng mabibigat na kasong kinahaharap.

Matatandaang si Arnie Teves ay isa sa mga pangunahing akusado sa pagpatay kay dating Negros Oriental Governor Roel Degamo noong Marso 4, 2023. Sa insidenteng iyon, sampung tao kabilang ang gobernador ang nasawi matapos lusubin ng armadong kalalakihan ang tahanan nito. Sa gitna ng imbestigasyon, lumabas ang pangalan ni Teves bilang umano’y utak sa krimen, lalo na’t natalo sa halalan ang kanyang kapatid na si Pryde Henry Teves kay Degamo.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Noong panahong iyon, nasa labas na ng bansa si Teves at tumangging bumalik sa Pilipinas. Umusad ang extradition case ng gobyerno ng Pilipinas sa Timor-Leste, ngunit hindi ito nagtagumpay sa una. Gayunman, nito lamang kamakailan ay bigla siyang inaresto ng immigration authorities sa Dili, Timor-Leste, dahil sa expired visa at kakulangan ng dokumentong nagpapahintulot sa kanyang pananatili roon. Mabilis na isinagawa ang deportation process, dahilan para maibalik siya sa bansa.

Sa kanyang pagbabalik, sinabi ni Teves na bagama’t nalulungkot siyang nakakulong siya ngayon, masaya naman siyang nakita muli ang kanyang ina matapos ang dalawang taon. Matapos nito ay dumaan siya sa masusing pagsusuri, hanggang sa naitala ang kanyang biglaang pagdanas ng matinding sakit sa tiyan, na kalauna’y nadiskubreng sanhi ng appendicitis.

Si Arnolfo “Arnie” Teves ay dating kongresista ng Negros Oriental na naging laman ng balita matapos masangkot sa pagpatay kay Governor Roel Degamo. Kilala sa kanyang matapang na personalidad at pagiging vocal sa pulitika, si Teves ay naging kontrobersyal lalo na nang siya ay magtago sa ibang bansa at hindi agad bumalik sa Pilipinas sa kabila ng imbitasyon ng pamahalaan. Siya ay tinanggalan ng prangkisa sa Kongreso at idineklarang “fugitive” bago tuluyang naaresto sa Timor-Leste.

Sa kanyang pagbabalik sa Pilipinas matapos ang dalawang taon, isa sa mga unang ginawa ni Arnie Teves ay ang yakapin ang kanyang ina. Ayon sa ulat, labis na emosyonal ang tagpo dahil sa tagal ng kanilang pagkakawalay dulot ng mga kinaharap niyang kaso at pananatili sa ibang bansa.

Ilang araw matapos ang kanyang pagbabalik sa bansa, bigla na lamang isinugod sa ospital si Arnie Teves dahil sa masidhing pananakit ng tiyan. Ayon sa kanyang kampo, isinailalim agad siya sa medikal na pagsusuri upang matukoy ang sanhi ng kanyang kondisyon, na napag-alamang appendicitis.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate