Goldilocks, nagsalita matapos ang reklamo ng customer na tagasuporta ni FPRRD
-Naglabas ng opisyal na pahayag ang Goldilocks matapos ireklamo ng isang customer kaugnay ng hindi nailagay na dedication sa cake para kay dating Pangulong Duterte
- Ipinalalagay ng customer ang mensaheng "Happy 80th Birthday TATAY DIGONG" ngunit hindi ito naisulat ng staff ng bakeshop
- Nilinaw ng Goldilocks na naniniwala sila sa mensahe ng pagkakaisa at kasiyahan at handa silang maglagay ng personalized greetings sa mga cake
- Nangako ang pamunuan ng Goldilocks na gagawin nila ang nararapat upang matiyak na lahat ng kanilang customer ay mararamdaman ang pagpapahalaga sa bawat okasyon
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!
Naglabas ng opisyal na pahayag ang pamunuan ng Goldilocks matapos ireklamo ng isang customer na umano'y tagasuporta ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Source: Facebook
Ayon sa nag-viral na social media post, hindi raw inilagay ng staff ng bakeshop ang ipinalalagay na dedication na “Happy 80th Birthday TATAY DIGONG” sa cake na binili para sa pagdiriwang ng kaarawan ng dating pangulo noong Biyernes, Marso 28.
Mababasa sa reklamo ng customer ang kanyang pagkadismaya sa hindi pagsunod sa kanyang request. Aniya, “I usually buy cake on yours and nothing is wrong, you always put the dedication. this is what happen today! WHY?” Dahil dito, umani ng iba't ibang reaksyon mula sa netizens, partikular sa kapwa tagasuporta ng dating pangulo, na naging dahilan upang umabot ito sa pamunuan ng Goldilocks.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Linggo, Marso 30, naglabas ng opisyal na pahayag ang Goldilocks sa kanilang Facebook page para sagutin ang isyu. Ayon sa kanila, “To our Dear Customers, We are aware of an isolated incident involving a cake greeting that has raised concerns online. At Goldilocks, we truly believe in messages that celebrate, uplift, and bring people together - reflecting the joy and togetherness we've always valued. We are always happy to accommodate personalized messages on cakes that have space specially designed for greetings.”
Dagdag pa nila, “We understand how much these moments mean, and we're taking steps to ensure every customer feels seen, included, and celebrated in every store, every time.”

Read also
Ice Seguerra, humingi ng tulong sa NAIA dahil sa nawawalang bagay sa loob ng bagahe ng asawa
Sa ngayon, patuloy pa ring pinag-uusapan ang insidenteng ito sa social media at maraming netizens ang umaasa na mas magiging maingat na ang pamunuan ng Goldilocks upang maiwasan ang ganitong klase ng aberya sa hinaharap.
Si Rodrigo Roa Duterte, kilala rin bilang "Digong," ay nagsilbing ika-16 na Pangulo ng Pilipinas mula Hunyo 30, 2016, hanggang Hunyo 30, 2022. Bago maging Pangulo, siya ay naging alkalde ng Davao City nang halos dalawang dekada. Kilala si Duterte sa kanyang matapang na paninindigan laban sa krimen at ilegal na droga, ngunit binatikos din siya ng mga human rights groups dahil sa kanyang kontrobersyal na kampanya laban sa droga.
Ipinahayag ng direktor na si Darryl Yap ang kanyang pagbati sa kaarawan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa pamamagitan ng isang social media post. Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ni Yap ang kanyang paghanga at suporta kay Duterte.
Nagpaabot ng pagbati at mensahe ang Malacañang para sa ika-80 kaarawan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte. Sa kanilang pahayag, kinilala ng Palasyo ang mga nagawa ni Duterte at nagbigay ng mensahe ng pagkakaisa sa gitna ng kasalukuyang mga hamon.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh