Harry Roque, nanatili sa Netherlands habang naghihintay ng resulta ng asylum application
- Aabutin ng isa’t kalahating taon ang pagproseso ng asylum application ni dating Presidential Spokesperson Atty. Harry Roque sa Netherlands
- Mananatili si Roque sa Netherlands at hindi siya mapapa-deport habang hinihintay ang resulta ng kanyang aplikasyon
- Nagdesisyon siyang maghain ng asylum matapos maglabas ng kautusan ang Kongreso na arestuhin siya kaugnay ng umano’y koneksyon niya sa POGO
- Inamin niyang napahagulgol siya sa pagpirma ng kanyang asylum application matapos ang halos kalahating taong pagtatago sa Pilipinas
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!
Aabutin ng mahigit isang taon ang pagproseso ng asylum application ni dating Presidential Spokesperson Atty. Harry Roque sa Netherlands. Kinumpirma ni Roque sa News 5 sa The Hague noong Marso 28, 2025, na mananatili siya sa bansa habang hinihintay ang desisyon at hindi raw siya magpapa-deport pabalik ng Pilipinas.

Source: Facebook
Nagdesisyon umanong magtago si Roque matapos maglabas ng kautusan ang House of Representatives na arestuhin siya dahil sa hindi pagdalo sa imbestigasyon ng Quad Committee kaugnay ng umano’y koneksyon niya sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGO). Ilang buwan siyang nagtago sa bansa bago nagdesisyong lumabas at maghain ng asylum sa Netherlands.

Read also
Liza Diño-Seguerra, nawalan ng mamahaling relo at laptop sa kanyang checked-in luggage sa NAIA
Sa parehong panayam, inamin ni Roque na literal siyang napahagulgol sa pagpirma ng kanyang asylum application matapos ang halos kalahating taong pagtatago. “Dito na muna ako. Wala nang tagu-tago. Kaya nga nu’ng pumirma ako ng aking asylum application, napaluha talaga ako. Napahagulgol. Kasi sabi ko, ‘first time in a six and a half month hindi na ako nagtatago sa mga bangag,’” pahayag ni Roque.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Ayon pa kay Roque, hindi na siya mapapa-deport habang nagpapatuloy ang proseso ng kanyang asylum application. “Ang process ng application, it takes about 1.5 years,” aniya. Sa ngayon, nananatiling tahimik si Roque tungkol sa iba pang plano habang hinihintay ang magiging desisyon sa kanyang aplikasyon.
Patuloy namang binabantayan ng publiko ang magiging takbo ng kaso ni Roque at kung ano ang magiging desisyon ng Netherlands sa kanyang pag-apply ng asylum sa naturang bansa.
Si Harry Roque ay isang abogado, dating mambabatas, at dating tagapagsalita ng Malacañang sa ilalim ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte. Bago pumasok sa politika, kilala siya bilang isang human rights lawyer. Nagsilbi siya bilang kinatawan ng Kabayan Partylist sa Mababang Kapulungan ng Kongreso mula 2016 hanggang 2017. Naging Presidential Spokesperson siya mula 2017 hanggang 2018 at muling bumalik sa parehong posisyon mula 2020 hanggang 2021.
Matatandaang binahagi ni Aiko Melendez ang isang maiksing teaser para sa kanyang video na ibabahagi sa kanyang YouTube channel. Para sa kanyang Lie Detector Challenge, guest niya si Harry Roque na kontrobersiyal kamakailan dahil sa ilang maiinit na isyu. Tinanong ni Aiko si Secretary Roque kaugnay sa kontrobersiyal na panayam ng news anchor na nag-trending sa social media.
Buong tapang na sinagot ni Roque ang mga katanungan ni Aiko kaugnay sa ilang mainit na isyu. Tinawanan lamang niya ang isyu tungkol sa nag-trending na hair flip ni Pinky Webb noong kinakapanayam nito si Roque. Nang tanungin naman kung naniniwala siya sa kakayahan ng bise presidenteng si Leny Robredo, inamin niyang hindi.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh