Honeylet Avanceña, emosyonal na nagbahagi ng kanyang statement
- Matinding lungkot ang naramdaman ni Honeylet Avanceña matapos arestuhin si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa ilalim ng warrant ng ICC
- Ipinahayag ni Avanceña na hindi na siya makatulog at nahihirapang manirahan sa kanilang sariling bahay
- Nanawagan si Avanceña sa mga tagasuporta ni Duterte na ipagpatuloy ang pagdarasal para sa dating pangulo
- Inakusahan si Duterte ng krimen laban sa sangkatauhan kaugnay ng kanyang kampanya kontra droga na kumitil ng libu-libong buhay
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Ipinahayag ni Honeylet Avanceña, longtime partner ng dating Pangulong Rodrigo Duterte, ang kanyang matinding damdamin sa isang eksklusibong panayam na ipinalabas sa SMNI nitong Linggo. Ito ay kasunod ng pag-aresto kay Duterte sa ilalim ng warrant ng International Criminal Court (ICC) para sa kasong crimes against humanity.

Source: Youtube
"Grabe talaga kinulong na, kinuha niyo pa mula sa Pilipinas kung saan siya ipinanganak. Tapos ganito pa ang ginagawa ninyo sa amin. Hindi ako makatulog. Hindi ako makatira sa sarili naming bahay... Nagmamakaawa lang ako. Hindi ko alam kung ano ang gagawin. Hindi ko talaga alam. Naawa na lang ako kasi kahit pagkain lang, pinagkaitan pa. Bisaya lang naman ang gusto niya. Habang ang iba nangangarap ng mansyon, siya hindi," ani Avanceña.
Nanawagan din si Avanceña sa mga tagasuporta ni Duterte na ipagpatuloy ang pagdarasal para sa dating pangulo.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Si Duterte ay inakusahan ng krimen laban sa sangkatauhan, partikular ang pagpatay, kaugnay ng kanyang kampanya kontra droga na umano'y kumitil ng libu-libong buhay, ayon sa mga grupo ng karapatang pantao.
Matatandaang inaresto si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa bisa ng warrant mula sa International Criminal Court (ICC) at dinala sa The Hague nitong Martes para harapin ang kasong crimes against humanity kaugnay ng kanyang kampanya kontra droga.
Si Duterte, na naging pinuno ng Pilipinas mula 2016 hanggang 2022, ay kilala sa kanyang matapang na kampanya laban sa droga na nagresulta sa pagkamatay ng libu-libo, na umani ng matinding kritisismo mula sa pandaigdigang komunidad.
Si Rodrigo "Rody" Roa Duterte ay ang ika-16 na Pangulo ng Republika ng Pilipinas na nanungkulan mula Hunyo 30, 2016 hanggang Hunyo 30, 2022. Bago siya maging pangulo, nagsilbi siya bilang alkalde ng Davao City sa loob ng mahigit 22 taon, kung saan siya nakilala dahil sa kanyang kampanya laban sa krimen at iligal na droga.

Read also
Common law wife ni dating Pangulo Rodrigo Duterte, emosyonal na nagbigay pahayag sa publiko
Nagsampa ng petisyon si Veronica “Kitty” Duterte sa Korte Suprema upang hilingin ang pagbabalik sa Pilipinas ng kanyang amang si dating Pangulong Rodrigo Duterte matapos itong arestuhin ng International Criminal Court (ICC). Sinabi ni Atty. Salvador Panelo na ang petisyon para sa writ of habeas corpus ay naglalayong pilitin ang gobyerno na ibalik ang dating pangulo at papanagutin ito sa umano’y paglabag sa kanyang mga karapatan.
Ibinahagi ni Arnold Clavio ang itsura ng detention facility sa The Hague kung saan dadalhin si dating Pangulong Rodrigo Duterte. Sinabi niyang malinis, ligtas, at may sapat na pasilidad ang lugar para sa mga detenido ngunit hindi ito isang luxury hotel. May sariling break room ang detenido na may maliit na mesa, twin-sized bed, palikuran, at may access sa meeting room para sa mga abogado.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh