Singer/Songwriter ng "Rosas", emosyonal sa thanksgiving rally ng 'Leni-Kiko tandem'

Singer/Songwriter ng "Rosas", emosyonal sa thanksgiving rally ng 'Leni-Kiko tandem'

- Hindi napigilang maging emosyonal ng Singer/Songwriter ng "Rosas" na si Nica del Rosario

- Sinasabing ito ang unang pagkakataon na naiyak siya sa entablado sa ilang beses na niyang pag-awit nito

- Bago pa man sila magsimula sa awitin, sinabihan na niya ang mga nanonood na saluhin siya sakaling hindi niya matapos ang kanta

- Agad naman siyang niyakap ni VP Leni Robredo matapos ang kanyang pagtatanghal

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Bumuhos ang emosyon ng Singer/Songwriter ng "Rosas" na si Nica del Rosario nang kantahin nila ni Gab Pangilinan ang nasabing aiwitin sa thanksgiving rally ng mga 'Kakampink' noong Mayo 13 sa Ateneo De Manila University.

Singer/Songwriter ng "Rosas", emosyonal sa thanksgiving rally ng 'Leni-Kiko tandem'
Nica Del Rosario (Photos by Christian Trongco, Eilyn Yatco, and @yarimaw)
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI na sa unang pagkakataon umano, sa ilang beses nang pag-awit ni Nica ng Rosas, doon lamang siya naluha sa entablado.

Bago pa man sila magsimulang umawit, sinabihan na niya ang mga Kakampink na saluhin siya at sabayan sakaling hindi niya matapos ang awit dala ng matinding emosyon.

Read also

BBM, nagpabatid ng pasasalamat; lalo na sa 31M na botong natanggap

At nang matapos nga ang awit lalo na nang ipakinig din niya sa unang pagkakataon ang idinagdag na verse sa kanta, naluha na nang tuluyan si Nica.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Agad naman siyang sinalubong ng yakap ni VP Leni na naikwento ni Nica sa kanyang Instagram post.

"Salamat, Ma’am Leni, Sen. Kiko, at buong Tropang Angat. Sabi ni ma’am nung niyakap niya ako, “hindi pa ito ang huli.” Tuloy lang tayo. Umpisa pa lamang ito"

Samantala, narito ang kanyang performance sa 'Tayo ang Liwanag: Isang Pasasalamat' na ibinahagi rin ng YouTube channel na Bigbiy TV PH:

Isa lamang si Nica del Rosario sa volunteer artists at performers para sa kandidatura ni Vice president Leni Robredo sa pagka-pangulo at ni Senator Kiko Pangilinan sa pagka-bise presidente at ng mga senatoriables ng 'Tropang Angat."

Read also

Kakampink celebrities, emosyonal na nakiisa sa thanksgiving rally ng Leni-Kiko tandem

Mayo 9, 2022 nang ganapin ang National at Local Elections sa Pilipinas. Ilang oras matapos na isara ang botohan, mabilis na nakapag-transmit ng resulta ang mga Electoral Board members kung saan malaki agad umano ang naging lamang ni Bongbong Marcos sa mahigpit niyang katunggali na si Vice President Leni Robredo.

Agad ding nanguna sa mga senatoriables si Robin Padilla na sinundan naman nina Loren Legarda at Raffy Tulfo.

Samantala, nag-concede naman na sina Mayor Isko Moreno at Senator Manny Pacquiao na pangatlo at pang-apat na pwesto sa bilang ng mga tumatakbong pangulo.

Nagbigay pa ng mensahe si Pacquiao sa inaasahang magiging susunod na pangulo ng bansa na si Bongbong Marcos.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica