VP Leni, nanawagan sa pagtanggap sa resulta ng Halalan; lalabanan pa rin ang kasinungalingan
- Nanawagan si Vice President Leni Robredo sa kanyang supporters ng pagtanggap sa resulta ng katatapos lamang na eleksyon
- Gayunpaman, nabanggit din niya ang patuloy na paglaban sa kasinungalingan na umano'y dekada nang proyekto
- Sinabing bahagi ng kasinungalingang ito at pagkanakaw sa atin ng ating kasaysayan pati na rin umano ang ating kinabukasan
- Inanunsyo rin niya ang pagkakatatag ng Angat Buhay Foundation na kanyang ilulunsad sa Hulyo 1
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Nanawagan si Outgoing Vice President Leni Robredo sa kanyang supporters na tanggapin ang naging resulta ng katatapos lamang na eleksyon noong Mayo 9.
Sa kanilang thanksgiving rally, ibinuhos ni Robredo ang kanyang mensahe sa supporters matapos ang malaking lamang sa kanya ng nangunguna ngayon sa presidential race na si dating senador Bongbong Marcos.
"Habang lumilinaw ang litrato, kailangan din nating simulan tanggapin na hindi ayon sa mga pangarap natin ang resulta ng eleksyon ito"
"Kailangan natin tanggapin ang pasya ng mayorya. Nakikiusap ako sa inyo na makiisa sa akin dito"
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Gayunpaman, nangako rin si Robredo sa patuloy na paglaban sa kasinungalingang nagnakaw umano ng kasaysayan ng bansa gayundin sa maaring kahinatnan ng Pilipinas sa mga susunod na taon.
"Ang pinakamalaking kalaban ay namamayagpag na bago pa ng panahon ng kampanya dahil dekadang prinoyekto. Matindi at malawak ang makinaryang kayang magpalaganap ng galit at kasinungalingan. Ninakaw nito ang katotohanan, kaya ninakaw din ang kasaysayan pati na ang kinabukasan"
"Disinformation ang isa sa pinakamalaking kalaban. Sa ngayon maaaring naghari ang makinarya ng kasinungalingan pero tayo lang ang makakasagot kung hanggang kelan ito maghahari. Nasa atin kung tapos na ang laban o kung nagsisimula pa lamang ito"
Sa kabila ng naging resulta ng Halalan, ilulunsad naman ni Robredo ang nong-government organization na Angat Buhay Foundation.
Wala umanong pipiliin ang tutulungan ng maituturing na pinakamalaking volunteer organization sa bansa.
Narito ang kabuuan ng kaganapan sa Tayo ang Liwanag: Isang Pasasalamat na ginanap sa Ateneo de Manila University, Mayo 13:
Si Maria Leonor "Leni" Gerona Robredo ay ang kasalukuyang Bise Presidente ng Pilipinas. Siya ay ang misis ng namayapa na si Jesse Robredo at nabiyayaan sila ng tatlong anak na babae na sina Aika, Tricia, at Jillian.
Oktubre 7 noong nakaraang taon nang inanunsyo ni Robredo ang kanyang pagtakbo bilang Pangulo ng Pilipinas sa katatapos lamang na eleksyon nitong Mayo 9. Si Senator Kiko Pangilinan naman ang kanyang running mate na tumakbo bilang bise presidente subalit malaki 'di umano ang naging lamang ng kanilang mga katunggali sa kani-kanilang mga posisyon na sina dating senador Bongbong Marcos at Mayo Sara Duterte.
Kamakailan, matapang na sinagot ng bise presidente ang kabi-kabilang paninira umano sa kanya maging sa kanyang pamilya. Aniya, hindi na siya nagugulat sa mga ganitong pangyayari na dinanas na rin nila noong Eleksyon 2016.
Source: KAMI.com.gh