Robin Padilla, kasalukuyang nangunguna sa partial, unofficial tally ng boto sa senatorial race
- Sa pinakahuling partial tally ng mga boto para sa pagka-Senador, nangunguna pa rin si Robin Padilla
- Sa kasalukuyan ay 68.27% na ng boto ang lumabas sa Comelec transparency server at umabot na sa 18,448,555 ang bilang ng boto ni Padilla
- Sinundan siya nina Loren Legarda na mayroong 17,669,660 at ni Raffy Tulfo na mayroong 16,964,611
- Tumtakbo siya sa ilalim ng Partido Demokratiko Pilipino Lakas ng Bayan
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Kaagad na nag-trending sa Twitter ang pangalan ni Robin Padilla matapos lumabas ang partial result ng boto sa senatorial race. Sa kasalukuyan ay 68.27% na ng boto ang lumabas sa Comelec transparency server at umabot na sa 18,448,555 ang bilang ng boto ni Padilla.
Sinundan siya nina Loren Legarda na mayroong 17,669,660 at ni Raffy Tulfo na mayroong 16,964,611. Tumtakbo siya sa ilalim ng Partido Demokratiko Pilipino Lakas ng Bayan.
Sumunod naman sina Win Gatchalian ng National People's Coalition, Chiz Escudero, Mark Villar, Allan Peter Cayetano, Joel Villanueva, Migs Zubiri, Rissa Hontiveros, JV Ejercito Estrada, Jonggoy Estrada.
Marami sa kanyang mga kapwa artista ang nagpahayag ng kanilang pagsuporta sa kandidatura ni Robin. Kabilang sina Vina Morales at Piolo Pascual sa mga kasamahan niya sa showbiz na nagpahayag ng kanilang pagsuporta sa kandidatura ni Robin.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Matatandaang sa isang panayam, aminado si ang asawa ni Robin na si Mariel Padilla na nasasaktan siya sa mga panghuhusga sa kanyang asawang si Robin Padilla lalo na sa kanyang kakayahan. May mga kumukuwestiyon kaugnay sa umano'y kwalipikasyon ni Robin na tumakbo bilang isang senador.
Si Robinhood Ferdinand Cariño Padilla o Robin Padilla ay kilala bilang “Bad Boy of Philippine Cinema”. Isa rin siyang screenwriter, producer, director at nationalist. Tinatawag din siyang “The prince of the Philippine Action Movies”.
Agosto 10, 2010 nang ikasal siya kay Mariel Rodriguez sa Taj Mahal sa India. Nagkakilala sila nang minsang naging guest host si Robin sa Wowowee kung saan regular na co-host naman si Mariel ni Willie Revillame.
Matatandaang inamin ni Robin na nagtalo sila ng kanyang misis na si Mariel kaugnay sa vaccination ng kanilang mga anak.
Source: KAMI.com.gh