BBM-Sara tandem, nagpahayag ng pasasalamat sa pagsuporta sa kanila ng Iglesia ni Cristo

BBM-Sara tandem, nagpahayag ng pasasalamat sa pagsuporta sa kanila ng Iglesia ni Cristo

- Naglabas ang pasasalamat ang kampo ng BBM-Sara tandem sa religious group na Iglesia ni Cristo

- Ito ay matapos na opisyal na ihayag ng grupo ang pagsuporta nila sa dalawa at ilan sa mga senatoriables ng kanilang 'UniTeam'

- Binanggit din nila sa psasalamat ang Tagapamahalang Pangkalahatan ng INC na si Eduardo Manalo

-Taong 2016, suportado rin ng INC ang kandidatura ni Marcos na noo'y tumakbo sa pagka-bise presidente ng bansa

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Agad na naglabas ng opisyal na pahayag ang kampo nina Bongbong Marcos at Sara Duterte Carpio bilang pasasalamat sa Iglesia ni Cristo.

BBM-Sara tandem, nagpahayag ng pasasalamat sa pagsuporta sa kanila ng Iglesia ni Cristo
BBM-Sara tandem, nagpahayag ng pasasalamat sa pagsuporta sa kanila ng Iglesia ni Cristo (Photo: Bongbong Marcos)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na ito ay matapos na pormal silang i-endorso ng nasabing grupo na inihayag sa Mata ng Agila sa Net 25.

Sa post ni Atty. Vic Rodriguez, Chief of Staff at Tagapagsalita ni presidential frontrunner Bongbong Marcos, pinasalamatan umano nina Marcos at Duterte ang INC sa pangunguna ni ng kanilang Tagapamahalang Pangkalahatan na si Eduardo Manalo.

Read also

Kakampink celebrities, emosyonal na nakiisa sa thanksgiving rally ng Leni-Kiko tandem

"Ang tambalang Bongbong Marcos-Sara Duterte ay buong kababaang loob na tinatanggap ang pag indorso ng mga kapatiran natin mula sa Iglesia Ni Cristo sa pangunguna ng Tagapamahalang Pangkalahatan Kapatid Eduardo Manalo,"

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

"Ang ganitong uri ng pagtitiwala ang siyang magiging gabay nila presidential frontrunner Bongbong Marcos at vice-presidential leader Inday Sara Duterte sa pamumuno ng ating bansa sakaling sila ay palarin at ihalal ninyo sa darating na eleksyon sa ika-9 ng Mayo,"

Narito ang kabuuan ng nasabing pahayag:

Si Ferdinand "Bongbong" Romualdez Marcos Jr. o kilala rin sa kanyang initials na BBM ay isang Filipino politician na nagserbisyo sa bansa bilang senador mula 2010 hanggang 2016. Siya ang pangalawang anak ni dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr. at dating First Lady Imelda Romualdez Marcos.

Pebrero 8 nang ganapin ang proclamation rally ng UniTeam nina BBM at Mayor Sara Duterte sa Philippine Arena.

Read also

Kandidato, pasok sa konseho matapos na lumamang lang ng isa sa kalaban

Ngayong Mayo 3, ilang araw bago ang eleksyon sa Mayo 9, pormal na inihayag ng Iglesia ni Cristo ang pag-endorso kay Presidential candidate Bongbong Marcos at Vice presidential candidate na si Sara Duterte.

Pinangalanan din ng INC ang 12 senador na kanilang susuportahan na sina Jejomar Binay, Alan Peter Cayetano, JV Ejercito, Guillermo Eleazar, Chiz Escudero, Jinggoy Estrada, Sherwin Gatchalian, Loren Legarda, Robin Padilla, Joel Villanueva, Mark Villar, at Migz Zubiri.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica