Kampo ni Marcos, tinanggihan ang hamon na one-on-one debate ni VP Leni Robredo
- Hindi raw magaganap kailanman ang one-on-one debate na hamon ni VP Leni Robredo sa katunggali niya sa pagkapangulo na si Bongbong Marcos
- Ayon sa kampo ni Marcos, may ilang kadahilanan kung bakit hindi ito mangyayari at alam daw umano ito ni Robredo
- Nabanggit ni VP Leni na sakaling papayag si Marcos, dadalo siya kahit saan kahit kailan nito naisin
- Matatandaang maging sa mga debate ng lahat ng presidentiables ngayong 2022 Election, hindi na rin nagpapaunlak ng pagdalo si Marcos
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Tumanggi raw umano si presidential aspirant Bongbong Marcos sa one one one debate na hamon sa kanya ni Vice President Leni Robredo.
Nalaman ng KAMI na nagsalita na ang Vic Rodriguez ang spokesperson ni BBM at sinabing hindi kailanman mangyayari ang naturang debate.
"Hindi ito kailanman mangyayari sa ilang kadahilanan. At batid ni Ginang Robredo ang mga kadahilanang ‘yan,"
"Sa panahon ng krisis sa ekonomiya na dulot ng pandemya ay malaking ginhawa marahil sa naghihirap na mamamayan ang makitang kalmado lang na nangangampanya at hindi nag-aaway at nagsisiraan ang mga taong naghahangad na mamuno sa bansa," dagdag pa niya.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Sa hamon ni Robredo, nabanggit nitong mahalaga sana ang naturang debate upang mabigyan din ng pagkakataong makapagsalita ito sa mga kontrobersyang pumapalibot sa kanya.
"Inaanyayahan ko si Ginoong Bongbong Marcos na makipagdebate, para mabigyan ang taumbayan ng pagkakataong makaharap siya at matanong tungkol sa mga kontrobersiyang pumapalibot sa kanya. We owe it to the people and to our country. Kung papayag po kayo, anytime, anywhere, darating ako."
"Mahalaga sana ito para masuri kami ng publiko, at para marinig nila at mapagkumpara ang vision at pagkatao namin," dagdag pa ni VP Leni.
Narito ang kabuuang ulat mula sa ANC 24/7:
Si Ferdinand "Bongbong" Romualdez Marcos Jr. o kilala rin sa kanyang initials na BBM ay isang Filipino politician na nagserbisyo sa bansa bilang senador mula 2010 hanggang 2016. Siya ang pangalawang anak ni dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr. at dating First Lady Imelda Romualdez Marcos.
Pebrero 8 nang ganapin ang proclamation rally ng UniTeam nina BBM at Mayor Sara Duterte sa Philippine Arena.
Kamakailan, nag-viral ang video ng mga supporters ng Bongbong Marcos-Sara Duterte tandem kung saan maririnig silang humihiyaw ng "Hindi kami bayad."
Kuha ito sa Talavera, Nueva Ecija na pinuntahan umano ng 'UniTeam' noong Marso 15.
Paulit-ulit na isinisigaw ng mga supporters na hindi sila bayad, taliwas sa kumakalat na espekulasyon na may kanya-kanya di'umanong hakot ang sinumang mga kandidato.
Sinagot naman ito ng Presidential candidate Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr.
"Ang mga tagasuporta ng UniTeam ay naniniwala sa unity, hindi sila bayad."
Source: KAMI.com.gh