Sumilao farmers, itinaas ang kamay ng 'Leni-Kiko tandem' sa campaign rally sa Laguna

Sumilao farmers, itinaas ang kamay ng 'Leni-Kiko tandem' sa campaign rally sa Laguna

- Nakarating na ng Maynila ang mga Sumilao farmers na naglakad mula pa sa Bukidnon

- Ito ay makalipas ang 40 araw na paglalakad bilang pagsuporta nila sa kandidatura ni Vice President Leni Robredo sa pagka-pangulo

- Sila ang mga natulungan noon ni Robredo na mapasakanila ang kanilang ancestral land noong 2007

- Matatandaang ang ilang magsasaka rin mula San Nicolas Pampanga ang nagtungo sa campaign rally ng Leni-Kiko tandem upang magbigay ng kanilang suporta

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Nang makarating sa Kamaynilaan partikular na sa Parañaque City noong Abril 28 ang mga Sumilao farmers, nakiisa na rin sila sa campaign rally ng mga 'Kakampink' sa Laguna noong Abril 29.

Sumilao farmers, itinaas ang kamay ng 'Leni-Kiko tandem' sa campaign rally sa Laguna
Sumilao farmers, itinaas ang kamay ng 'Leni-Kiko tandem' sa campaign rally sa Laguna (VP Leni Robredo)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na makalipas ang 40 araw na paglalakad maayos na nakarating ang mga Sumilaro farmers sa Parañaque City at sinalubong sila ng panganay na anak ni VP Leni Robredo na si Aika.

Read also

Kakampink celebrities, emosyonal na nakiisa sa thanksgiving rally ng Leni-Kiko tandem

Matapos ito nagtungo sila National Shrine of Our Mother of Perpetual Help sa Baclaran, Parañaque kung saan sinalubong naman sila ng vice presidential candidate na si Senator Kiko Pangilinan at misis nitong si Megastar Sharon Cuneta.

Sa campaign rally ng 'Leni-Kiko tandem' sa Laguna, nakiisa rin ang mga Sumilao farmers na siyang nagtaas pa ng kamay ng presidential at vice presidential candidate.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ang mga Sumilao farmers ay ang mga natulungan ni VP Leni na mapasakanila ang kanilang ancestral lands sa Bukidnon.

Ayon sa Philippine Star, taong 2007 nang samahan din sila ni VP Leni na noo'y Camarines Sur representative pa lamang sa Malacañang sa labang makuha ang kanilang lupa.

Hanggang sa sinuportahan din nila ang kandidatura ni Robredo sa pagtakbo nito bilang bise presidente noong 2016.

Read also

Kandidato, pasok sa konseho matapos na lumamang lang ng isa sa kalaban

At ngayon, muli nila itong sinuportahan sa kandidatura naman ni Robredo sa pagka-pangulo sa May 9 elections.

Narito ang bahagi ng campaign rally ng Laguna na ibinahagi rin ng Rappler kung saan nagbigay mensahe rin ang kinatawan ng Sumilao farmers patungkol sa ibinubuhos nilang suporta at kampanya upang maipanalo si VP Leni Robredo:

Si Maria Leonor "Leni" Gerona Robredo ay ang kasalukuyang Bise Presidente ng Pilipinas. Siya ay ang misis ng namayapa na si Jesse Robredo at nabiyayaan sila ng tatlong anak na babae na sina Aika, Tricia, at Jillian.

Oktubre 7 noong nakaraang taon nang inanunsyo ni Robredo ang kanyang pagtakbo bilang Pangulo ng Pilipinas sa darating na eleksyon sa Mayo ngayong 2022. Si Senator Kiko Pangilinan naman ang kanyang running mate na tatakbo bilang bise presidente.

Kamakailan, matapang na sinagot ng bise presidente ang kabi-kabilang paninira umano sa kanya maging sa kanyang pamilya. Aniya, hindi na siya nagugulat sa mga ganitong pangyayari na dinanas na rin nila noong Eleksyon 2016.

Samantala, ibinahagi niya kamakailan ang pagha-house to house campaign niya sa Naga matapos na bumisita sa burol ng kanyang umanong kaibigan. Aniya, tila na miss niya ang ganoong klaseng pagkampanya kung saan naririnig ang mga hinaing ng ating mga kababayan.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica