Mga Kakampink sa Davao Del Norte na humihiyaw ng 'babawi kami', viral
- 'Babawi kami' ang hiyaw ng mga 'Kakampink' sa campaign rally ng 'Leni-Kiko tandem' sa Davao Del Norte
- Ito ay matapos na mabanggit ni VP Leni na talo siya sa Davao Region noong nakaraang eleksyon
- Aniya, nasabi niya ito dahil kahit talong-talo sila noong nagdaang eleksyon, naroon pa rin sila sa oras ng pangangailangan
- Sinasabing ang Davao region ay baluarte ng mga Duterte kung saan kasalukuyang alkalde pa si Sara Duterte ng Davao City
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
'Babawi kami,' ang hiyaw ng mga Kakampink sa ginanap na campaign rally nina VP Leni Robredo at Kiko Pangilinan sa Davao Del Norte.
Nalaman ng KAMI na ito umano ang sagot ng mga taga-Davao sa nasabi ni VP Leni sa rally na talong-talo umano siya sa lugar na iyon noong nakaraang eleksyon.
"Dito po sa Davao region, alam ninyo talong-talo ako dito noong eleksyon... Pero kaya ko po siya sinasabi, dahil kahit talong-talo po ako sa eleksyon, sa oras na kailangan kami, lagi kaming nandito," ayon sa bise presidente na ngayo'y tumatakbo naman sa pagka-pangulo.
"Yung lahat ng sakuna, andito kami. Lahat ng bagyong dumaan meron po kaming relief operations. 'Yung mga lindol na tumama sa inyo, nandito po kami. Nung pandemya, andito kami,"
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
"Ano pong ibig sabihin nito? Na dapat pagkatapos ng eleksyon hindi na natin tinitingnan ang mga kulay,"
"Pag tayo po naging pangulo na, pangulo po tayo ng lahat ng kulay," paliwanag ni VP Leni.
Narito ang kabuuan ng mga kaganapan sa kanyang campaign rally sa Tagum, Davao del Norte na ibinahagi rin ng Rappler:
Si Maria Leonor "Leni" Gerona Robredo ay ang kasalukuyang Bise Presidente ng Pilipinas. Siya ay ang misis ng namayapa na si Jesse Robredo at nabiyayaan sila ng tatlong anak na babae na sina Aika, Tricia, at Jillian.
Oktubre 7 noong nakaraang taon nang inanunsyo ni Robredo ang kanyang pagtakbo bilang Pangulo ng Pilipinas sa darating na eleksyon sa Mayo ngayong 2022. Si Senator Kiko Pangilinan naman ang kanyang running mate na tatakbo bilang bise presidente.
Bago pa ang pagtitipon sa Mindoro, ginanap naman ang maulang campaign rally ni VP Leni Robredo, running mate Senator Kiko at mga senatoriables ng 'Tropang Angat' sa Rizal. Sa kabila ng maghapong pag-ulan, dinagsa pa rin ito ng tinatayang 43,000 katao.
Dahil dito, labis namang nag-alala ang bise presidente sa kalusugan ng mga 'Kakampink' at bilang ina ng bayan, pinaalalahanan niyang maligo agad pagka-uwi at dasal niyang walang magkasakit sa mga nagtungo roon.
Source: KAMI.com.gh