Ana Jalandoni, pansin ang pagka-iritable umano ni Kit Thompson patungo pa lang ng Tagaytay

Ana Jalandoni, pansin ang pagka-iritable umano ni Kit Thompson patungo pa lang ng Tagaytay

- Idinetalye na ni Ana Jalandoni ang mga kaganapan sa araw na nagtungo sila ni Kit Thompson sa Tagaytay

- Aniya, excited pa naman siya sa lakad na ito dahil sa pahinga at pagre-relax na kanila sanang gagawin

- Pansin niyang umaga pa lang ay iritable na umano si Kit Thompson at pabago-bago rin ang mood nito

- Hanggang sa sila nga ay makainom na at nangyari ang 'di umano'y pananakit ng aktor sa kanya

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Sa kauna-unahang pagkakataon ay idinetalye ni Ana Jalandoni ang mga kaganapan sa araw na nasaktan 'di umano siya ng dating kasintahang si Kit Thompson.

Nalaman ng KAMI na ipina-detalye ito sa kanya ni Boy Abunda nang makapanayam siya nito sa kanyang YouTube channel.

Ana Jalandoni, pansin na ang pagka-iritable umano ni Kit Thompson patungo pa lang ng Tagaytay
Ana Jalandoni, pansin na ang pagka-iritable umano ni Kit Thompson patungo pa lang ng Tagaytay (Photo: The Boy Abunda Talk Channel)
Source: Facebook

Ayon kay Ana, umaga pa lang pansin na niya ang pagka-iritable umano ni Kit habang siya ay excited na sa kanilang lakad.

Read also

Barbie Imperial, inaming si Diego Loyzaga ang inakala niyang 'the one'

"On the way pa lang hindi na kami okay. Bahay ko pa lang, paalis pa lang kami. Iritable na siya morning pa lang. Kasi ako excited ako gabi pa lang. 'Yung magpupunta kami ng Tagaytay, mag-spa kami. Mag-spend time kami magdi-date kami, magdi-dinner kami sa Antonio's. Sobrang excited na ako," bungad ni Ana sa pangyayari.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

"Sabi niya, ano ba! nilalambing ko siya, sabi niya ano ba. Pwedeng magpahinga, pwedeng matulog?" pahayag ni Ana hanggang sa nauwi na sa patuloy na pagiging iritable ng aktor.

Nang sila'y patungo na sa Tagaytay, bahagya namang nabago ang mood ni Kit hanggang sa napag-usapan naman nila ang proyektong gagawin nito kung saan inaasahang isa muli itong sexy film na bahagi ng trabaho ni Ana.

Ito muli ang naging dahilan ng kanilang argumento na nauwi pa rin sa pagso-sorry ng aktor hanggang sa nakarating na nga sila sa Tagaytay.

Read also

Ana Jalandoni, nasabing nagalit ang ex-husband sa nagawa ni Kit Thompson sa kanya

Narito ang kabuuan ng pahayag ni Ana mula sa The Boy Abunda Talk Channel:

Marso 17 nang gumulantang sa publiko ang marahas na sinapit ng model/actress na si Ana Jalandoni sa kamay ng nakarelasyon si Kit Thompson.

Nito lamang Marso 28 ay nagpa-press conference na si Ana Jalandoni kaugnay sa kontrobersyal na pananakit umano sa kanya ni Kit Thompson na noo'y umamin na sa kanya ng anger management issues nito kaya naman napayuhan na rin niya itong kumunsulta na sa eksperto.

Kasama ang kanyang pamilya at abogado, sinabi ni Ana na selos 'di umano sa dati niyang asawa ang naging ugat ng matinding pananakit sa kanya ng aktor. Sa ngayon, wala pang inilalabas na pahayag naman si Kit na nagbura na ng mga larawan nila ni Ana sa kanyang social media.

Samantala, si Kit Thompson ay isang aktor, model at TV host na unang nakilala nang sumali siya sa Pinoy Big Brother: Teen Edition 4 noong 2012. Naging bahagi agad siya ng ilang programa sa ABS-CBN nang makalabas siya sa bahay ni Kuya sa parehong taon.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel