Herbert Bautista, pinabulaanang may sinirang personal na pangako
- Sa isang virtual interview, nilinaw ni Herbert “Bistek” Bautista ang tungkol sa isyung ipinupukol sa kanya
- Aniya, naniniwala siyang walang siyang sinirang personal na pangako at hindi umano siya nangangako bagkus ay ginagawa na lang niya
- Nanindigan si Herbert na wala daw s'yang sinirang pangako dahil hindi naman umano sila umabot sa punto ng pamimigay na ng imbitasyon sa kasal
- Matatandaang naging usap-usapan sa Tarlac rally ang naging pahayag ni Kris Aquino tungkol sa kanyang ex
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Sa isang virtual interview ng vlogger ng si Thinking Pinoy kay Herbert “Bistek” Bautista, naitanong sa actor-turned-politician ang tungkol sa kung talaga bang marunong ito tumupad ng pangako o hindi. Ani Herbert, hindi siya nangangako dahil ginagawa na lamang niya ang bagay na gusto niyang gawin kesa magbitiw siya ng pangako.
Matatandaang sa campaign rally ng Leni-Kiko tandem sa Tarlac nitong March 23, naging kontrobersiyal ang pasaring si Kris sa “ex” daw n’yang nasa UniTeam na hindi marunong tumupad sa pangako.
Wala namang binanggit na pangalan si Kris. Panawagan ni Kris sa mga taga-Tarlac, deadmahin daw sa eleksyon ang “ex” nga n’ya na tumatakbo dahil hindi marunong tumupad sa pangako. Matapos ang kanyang pahayag, si Herbert ang iniuugnay ng mga netizens na tinutukoy ni Kris na kanyang ex.
Una, hindi ako nangangako. Hahaha! Ginagawa ko na lang…’di ba? Kasi old school na ’yong nangangako ka na dapat…old school na ’yon, e. Now is not the time for promises. Now is the time for you to listen, to touch base… Alamin mo talaga,” aniya
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Nanindigan si Herbert na wala daw s'yang sinirang pangako dahil hindi naman umano sila umabot sa punto ng pamimigay na ng imbitasyon sa kasal.
“Well, merong law kasi na… ’yong law na ’to, sa family code yata ito. Pagka naipamigay mo na ’yong invitation sa kasal tapos hindi mo tinuloy, that’s the breach of promise to marry. Di ba?” dagdag pa niya.
Si Herbert Bautista o kilala sa bansag na "Bistek," ay isang Filipino actor na naging politiko na nanungkulan bilang mayor ng Quezon City. Nagsimula siya sa pag-arte sa murang edad na 10. Naging bahagi siya ng gag show na Kaluskos Musmos na ipinalabas mula 1970 hanggang kalagitnaan ng 1980s.
Siya ang gumanap bilang Reneboy sa seryeng Flordeluna noong 1978-1984 na pinalabas sa RPN-9.
Matatandaang sa isang rally kamakailan ay sinabihan ni Herbert ang kanyang di na pinangalanang ex na magpagaling.
Naging usap-usapan din ang paghahayag ni Ruffa Gutierrez ng kanyang pagsuporta sa kandidatura ni Herbert.
Source: KAMI.com.gh