Pag-indak ni VP Leni Robredo ng Mangyan traditional dance, viral

Pag-indak ni VP Leni Robredo ng Mangyan traditional dance, viral

- Mabilis na nag-viral ang video kung saan makikitang napa-indak si Vice President Leni Robredo

- Kasama ang mga 'Youth for Leni', sumayaw ang presidential candidate ng isang Mangyan traditional dance

- Ikinatuwa ito ng kanyang mga supporters at nagpaunlak talaga ito ng pagsayaw sa Mindoro Campaign rally nila ngayong Abril 6

- Bago ito, dinagsa pa rin ng mga Kakampink ang Rizal People's rally sa kabila ng walang humpay na pag-ulan sa araw na iyon

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Viral ngayon ang video kung saan makikitang nakisayaw si Vice President Leni Robredo sa mga Youth for Leni ng Occidental Mindoro.

Nalaman ng KAMI na ito ay bahagi ng campaign rally nila sa lugar kung saan nagpaunlak na sumabay sa pag-indak ang presidential candidate sa isang Mangyan traditional dance.

Pag-indak ni VP Leni Robredo ng Mangyan traditional dance, viral
Pag-indak ni VP Leni Robredo ng Mangyan traditional dance, viral (Photo: VP Leni Robredo)
Source: Facebook

Maraming supporters ni VP Leni ang natuwa sa kanyang maiksing dance number na bihira umano nilang makita sa bise presidente.

Read also

VP Leni sa isang restaurant matapos ang 2nd presidential debate, viral

Naganap ito bago siya magbigay mensahe sa kanyang mga tagasuporta sa Mindorosas people’s rally in Occidental Mindoro.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

"Napasayaw niyo kami sa saya, Mindoro! Thank you so much to the Pink Tamaraws/Mangraw for letting us join you for a traditional Mangyan dance and to RPC Occidental Mindoro for bringing together different sectors for this people’s rally. Talaga namang nag-uumapaw ang saya dito sa San Jose!" ani VP Leni sa kanyang Facebook page.

Narito ang video ng kanyang pagsayaw na naibahagi rin ng CNN Philippines:

Si Maria Leonor "Leni" Gerona Robredo ay ang kasalukuyang Bise Presidente ng Pilipinas. Siya ay ang misis ng namayapa na si Jesse Robredo at nabiyayaan sila ng tatlong anak na babae na sina Aika, Tricia, at Jillian.

Oktubre 7 noong nakaraang taon nang inanunsyo ni Robredo ang kanyang pagtakbo bilang Pangulo ng Pilipinas sa darating na eleksyon sa Mayo ngayong 2022. Si Senator Kiko Pangilinan naman ang kanyang running mate na tatakbo bilang bise presidente.

Read also

Delivery rider, aminadong naiyak sa prank ng isang customer noong April Fools' Day

Bago pa ang pagtitipon sa Mindoro, ginanap naman ang maulang campaign rally ni VP Leni Robredo, running mate Senator Kiko at mga senatoriables ng 'Tropang Angat' sa Rizal. Sa kabila ng maghapong pag-ulan, dinagsa pa rin ito ng tinatayang 43,000 katao.

Dahil dito, labis namang nag-alala ang bise presidente sa kalusugan ng mga 'Kakampink' at bilang ina ng bayan, pinaalalahanan niya itong maligo agad pagka-uwi at dasal niyang walang magkasakit sa mga nagtungo roon.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica