VP Leni, 'liwanag at pag-asa' ang nilalaman ng closing statement sa 2nd presidential debate

VP Leni, 'liwanag at pag-asa' ang nilalaman ng closing statement sa 2nd presidential debate

- "Liwanag at pag-asa" ang nilalaman ng closing statement ni Vice President Leni Robredo sa ikalawang Comelec Presidential Debate

- Aniya isa umanong ilaw ng tahanan ang magsisilbing liwanag na tatanglaw sa buong bayan

- Pag-asa ang nakikita niya umano sa bawat isa sa mga nasasaksihan niya sa araw-araw, may sakuna man o wala

- Nasaksihan din niya ang pagkakaisa umano ng mga Pilipino ngayong kampanyahan mula sa nagpupunta sa mga campaign rally hanggang sa boluntaryong nagbabahay-bahay upang ayain pa ang ibang makiisa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Mabilis na naging usap-usapan ang closing statement ni Vice President Leni Robredo sa ikalawang Comelec Presidential Debate na ginanap ngayong Abril 3.

VP Leni, 'liwanag at pag-asa' ang nilalaman ng closing statement sa 2nd presidential debate
VP Leni Robredo (The 2nd Presidential Debate/ ANC HD)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na pawang tungkol sa 'liwanag at pag-asa' ang mensahe ng mamakaisang babaeng tumatakbo sa pagka-pangulo ng bansa.

"Ang tunay na lakas hindi nanggagaling sa pera o makinarya kundi sa pagkakaisa ng taong-bayan. Nasaksihan ko ito sa mga kababayan natin na araw-araw na nagbabanat ng buto para makamtan ang mga pangarap na pinagtrabahuhan nila."

Read also

Carlo Aquino, umamin na tungkol sa hiwalayan nila ni Trina Candaza

"Nasasaksihan ko ito bawat sakuna, na nagbabayanihan para sumaklolo ating kapwa. Ngayon, nasasaksihan ko ito ngayong kampanya, sa mga nag-aattend ng mga rallies kahit pinagbabawalan. Sa mga gumagastos ng sariling pera. Sa mga kumakatok sa mga pintuan para ayain 'yung ibang sumama."

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

"Ang dahilan ng lahat ng ito ay pag-asa. Pag-asa 'yung tumutulak sa'tin na mangarap sa dulo ng kadiliman ay may kaliwanagan. Pag-asa ang natutulak sa'tin para makita natin na ngayon lumiliwanag na, ngayon liliwanag pa at ngayong darating na halalan, ang tatanglaw sa buong bayan, ilaw ng tahanan," ang kabuuan ng pahayag ni Vice President Leni Robredo.

Narito ang video ng kanyang closing statement na naibahagi rin ng Rappler:

Si Leni Robredo ay ang kasalukuyang Bise Presidente ng Pilipinas. Siya ay ang misis ng namayapa na si Jesse Robredo at nabiyayaan sila ng tatlong anak na babae na sina Aika, Tricia, at Jillian.

Read also

Bea Alonzo, ginamitan ng pangmalakasang acting ang pagpaprank niya sa mga kaibigan

Oktubre 7 noong nakaraang taon nang inanunsyo ni Robredo ang kanyang pagtakbo bilang Pangulo ng Pilipinas sa darating na eleksyon sa Mayo ngayong 2022. Si Senator Kiko Pangilinan naman ang kanyang running mate na tatakbo bilang bise presidente.

Isa lamang si Robredo sa siyam na nagpaunlak sa 'The 2nd Presidential Debate' ngayong Abril 3. Muling hindi dumalo si dating senador Bongbong Marcos kaya nanatiling bakante ang podium na inilaan sa kanya.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica