Sen. Migz Zubiri, tinawag na malisyoso ang viral na video ng kanyang ama at ni BBM
- Matapos mag-viral ang isang video kung saan hindi naitaas ni Presidential aspirant Bongbong Marcos ang kamay ng kanyang amang si Bukidnon Governor Jose Ma. Zubiri, nagsalita na si Sen. Migz Zubiri
- Makikita ang tila pagkabigla ng gobernador ng Bukidnon matapos ang tila pag-iwas ni BBM na itaas ang kanyang kamay
- Gayunpaman, paliwanag ni Sen. Zubiri, isang simpleng miscommunication lamang umano ang naganap
- Nagpahiwatig din siya na nilabas lang ang video para masira ang unity sa UniTeam
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Minabuti ni Sen. Migz Zubiri na linawin ang viral na video ng kanyang ama at ni presidential aspirant Bongbong Marcos. Makikita ang tila pagkabigla ng gobernador ng Bukidnon matapos ang tila pag-iwas ni BBM na itaas ang kanyang kamay.
Sa kanyang pahayag, sinabi niyang ang sinasabing hindi pagtaas ni BBM sa kamay ng kanyang ama sa joint grand rally sa Malaybalay, Bukidnon na ginanap nitong March 31, 2022 ay kagagawan ng kanilang katunggali upang magkaroon ng "disunity" sa Uniteam at sa kanilang local political party.
Aniya, isang simpleng miscommunication lamang ang naganap. Dagdag pa ni Zubiri, malisyoso ang pagpapakalat ng naturang video upang lumikha ng intriga. Hindi din umano pinakita ang kabuoan ng video.
The truth is it’s just a simple miscommunication between my Father and BBM on the sequence of events, which is that, after BBM speaks, he was supposed to wave the flag and then raise the hand of the local parties.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Dagdag pa niya, hindi nila inasahan ang dami ng tao na dumalo sa rally at iyon daw dapat ang binigyan pansin.
Sa nalalapit na na halalan ngayong Mayo 2022, mainit na binabantayan ang mga rally para sa pangangampanya ng mga tumatakbong politiko. Kabilang sa mainit na magkatunggali sa pagka-pangulo ay sina Vice President Leni Robredo at dating senador na si Bongbong Marcos. Sila ang dalawang nangunguna pagdating sa dami ng mga tagasuporta.
Si Juan Miguel "Migz" Fernandez Zubiri ay isang Filipino businessman at politician na naglilingkod bilang Senate Majority Leader mula 2018, at mula 2008 hanggang 2010. Simula noong 2016, ikalawang termino na niya sa senado. Una siyang naging senador noong 2007 hanggang 2011.
Matatandaang isa si Sen. Zubiri sa mga naunang tinamaan ng COVID noong 2020. Sa katunayan ay dalawang beses siyang nag-positibo sa COVID.
Source: KAMI.com.gh