VP Leni Robredo, nakakwentuhan si Tatay Elmer Cordero ng Piston 6
- Isa si Tatay Elmer Cordero ng Piston 6 na nagpakita ng suporta kay VP Leni Robredo
- Sa kauna-uanhang pagkakataon, nakakuwentuhan niya ito nang magtungo si Tatay Elmer sa 'CAMANAVA is Pink' campaign rally ni VP Leni
- Kinumusta siya ng bise presidente at makikita sa video na ibinigay pa talaga ni VP Leni ang kanyang numero kay tatay Elmer
- Hayagan namang sinabi ng dating jeepney driver na si VP Leni umano ang pag-asa ng mga tulad niya
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Viral ang video kung saan makikitang nakakuwentuhan ni Vice President at presidential candidate Leni Robredo si Tatay Elmer Cordero ng tinaguriang 'Piston 6.'
Nalaman ng KAMI na nagtungo si Tatay Elmer sa Caloocan kung saan nagaganap ang campaign rally ng CAMANAVA na dinaluhan ng libo-libong mga 'Kakampink' noong Marso 26 upang ipakita ang pagsuporta niya kay VP Leni.
Sa isang pambihirang pagkakataon, nakakuwentuhan mismo ni Tatay Elmer ang bise presidente na kinumusta ang kanyang kalagayan.
"Tatay!" ang salubong agad ng bise presidente kay Tatay Elemer na matatandaang na-detain noong 2020 sa pag-aakalang protesta ang pagdaing nila sa kawalan ng kita ng mga jeepney driver na tulad niya dahil sa tigil pasada bunsod ng pananalasa noon ng COVID-19 sa bansa.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Unang inalam ni VP Leni ang ikinabubuhay ni Tatay Elmer na ngayo'y pa-extra extra na lamang umano base sa kanya mismong kwento.
"Nasaan 'yung telepono niyo, para ilagay ko number ko," ang nasabi rin ng bise presidente.
"Sabi nga namin, nasa sa iyo ang pag-asa namin," ang diretsang nasabi ni Tatay Elmer sa sinusuportahan niya sa pagka-pangulo ng bansa sa darating na Halalan sa Mayo.
Narito ang kabuuan ng video mula sa VP Leni Robredo Facebook Page:
Si Elmer Cordero, isa sa 'Piston 6' na nakulong dahil di umano sa protestang isinagawa nila sa EDSA Caloocan.
Matatandaang naging kontrobersyal ang pagkakaditena sa kanila gayung ang hindi naman daw pagra-rally ang kanilang ginawa kundi paghingi lamang ng ayuda.
Hunyo 9 ng 2020 nang makapagpiyansa ang kampo ni Cordero sa tulong ng ilang mga nagmalasakit na siya ay tulungan.
Naiwan pa ng ilang araw noon si Tatay Elmer dahil napag-alamang may kaso siyang estafa noong 2002 dahil lamang sa upa ng bahay na hindi niya noon nabayaran.
Nang makalaya, mas lalong dinagsa ng tulong si Tatay Elmer na ang tanging kahilingan lamang ay ang may kitain upang patuloy na masuportahan ang pamilya.
Nakapagpatayo na rin siya noon ng sariling sari-sari store mula sa mga tulong na natanggap niya buhat nang siya ay ma-detain at makalaya.
Source: KAMI.com.gh