Elmer Cordero ng Piston 6, nagpakita ng suporta kay VP Leni Robredo
- Nagpakita ng suporta si Elmer Cordero ng 'Piston 6' kay Vice President Leni Robredo
- Si Cordero ay bahagi ng anim na jeepney drivers na nadakip sa pag-aakalang sila ay nagpoprotesta dahil sa tigil pasada sa kasagsagan ng pandemya
- Matatandaang naging kontrobersyal ang pagkakaditena sa kanila gayung ang hindi naman daw pagra-rally ang kanilang ginawa kundi paghingi lamang ng ayuda
- Ayon kay Cordero, iboboto niya si VP Leni dahil hindi raw ito sinungaling at hindi ito corrupt
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Isa ang 74-anyos na dating jeepney driver na si Tatay Elmer Cordero sa mga nagpakita ng suporta kay Vice President Leni Robredo sa kandidatura nito sa pagka-pangulo ng bansa para sa Halalan sa Mayo ngayong taon.
Nalaman ng KAMI na naroon si Tatay Elmer sa Caloocan kung saan nagaganap ang campaign rally ng CAMANAVA na dinaluhan ng lino-libong mga 'Kakampink' ngayong Marso 26.
Sa panayam ng Inquirer kay Tatay Elmer, sinabi niyang iboboto niya si VP Leni dahil hindi umano ito corrupt at nakikita niya ang pag-unlad ng bansa sa susunod na anim na taon.
"Tapat, hindi sinungaling, hindi corrupt. Kaya 'yun ang dapat. Dahil sana sa pagdating ng anim na taon, uunlad ang bayan natin," paliwanag ni Tatay Elmer kung bakit niya sinusuportahan ang kandidatura ni Robredo sa pagka-pangulo.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Narito ang kabuua ng kanyang naging pahayag:
Si Elmer Cordero, isa sa 'Piston 6' na nakulong dahil di umano sa protestang isinagawa nila sa EDSA Caloocan.
Matatandaang naging kontrobersyal ang pagkakaditena sa kanila gayung ang hindi naman daw pagra-rally ang kanilang ginawa kundi paghingi lamang ng ayuda.
Hunyo 9 nang makapagpiyansa ang kampo ni Cordero sa tulong ng ilang mga nagmalasakit na siya ay tulungan.
Matatandaang naiwan pa ng ilang araw noon si Tatay Elmer dahil napag-alamang may kaso siyang estafa noong 2002 dahil lamang sa upa ng bahay na hindi niya noon nabayaran.
Nang makalaya, mas lalong dinagsa ng tulong si Tatay Elmer na ang tanging kahilingan lamang ay ang may kitain upang patuloy na masuportahan ang pamilya.
Nakapagpatayo na rin siya ng sariling sari-sari store mula sa mga tulong na natanggap niya buhat nang siya ay ma-detain at makalaya.
Source: KAMI.com.gh