Video ni VP Leni na pinapanhik sa stage ang nag-request ng "mother's hug", viral

Video ni VP Leni na pinapanhik sa stage ang nag-request ng "mother's hug", viral

- Viral ngayon ang video ni Vice President Leni Robredo kung saan pinagbigyan nito ang hiling ng isang supporter

- May dala umano ang 'Kakampink' ng placard na nagre-request ng yakap mula sa presidentiable

- Nais niya umanong makadama ng 'yakap ng isang ina' at napagbigyan naman siya ng bise presidente

- Matatandaang minsan na ring nag-viral ang mga video ni VP Leni na matiyagang nagbabasa ng mga dalang placards ng kanyang supporters sa campaign rally

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Agaw-eksena ngayon sa social media ang maiksing video ni Vice President Leni Robredo kung saan pinagbigyan nito ang hiling ng isa niyang supporter.

Video ni VP Leni na pinapanhik sa stage ang nag-request ng "mother's hug", viral
Video ni VP Leni na pinapanhik sa stage ang nag-request ng "mother's hug", viral (VP Leni Robredo)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na nakasulat umano sa placard ng supporter na nais sana niyang mayakap ang pambato nila bilang presidente at muling maramdaman ang yapos ng isang ina.

Read also

Xian Gaza sa viral post ni Valentine Rosales: "Just a black propaganda"

Hindi naman siya binigo ni VP Leni na tinawag pa siya para umakyat sa entablado.

Habang papalapit ang lalake, maririnig pa ang paalala ni VP Leni na mag-ingat ito lalo na sa pagpanhik sa stage.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

At nang mayakap nito ang presidentiable, maririnig ang hiyawan ng ibang supporters.

Bukod sa "mother's hug", nakapag-selfie pa ito sa suportadong presidential candidate.

Narito ang kabuuan ng eksena na ibinahagi ng Inquirer:

Si Leni Robredo ay ang kasalukuyang Bise Presidente ng Pilipinas. Siya ay ang misis ng namayapa na si Jesse Robredo at nabiyayaan sila ng tatlong anak na babae na sina Aika, Tricia, at Jillian.

Oktubre 7 noong 2021 nang inanunsyo ni Robredo ang kanyang pagtakbo bilang Pangulo ng Pilipinas sa darating na Eleksyon sa Mayo ngayong 2022. Si Senator Kiko Pangilinan naman ang kanyang running mate na tatakbo bilang bise presidente.

Read also

"Knock-knock" ni Kyla tungkol kay VP Leni, bentang-benta sa mga Kakampink

Kamakailan, taos-pusong pinasalamatan din ni VP Leni ang lahat ng mga nakiisa at dumalo sa 'Pink Sunday Rally' para sa kanya na ginanap sa Quezon City Memorial Circle isang araw bago ang Araw ng mga Puso.

Samantala, nag-trending din ang unang pag-host ni Ogie Diaz ng grand rally ng mga 'Kakampink' sa Iloilo kamakailan. Naging kontrobersyal ang mga nasabi ni Ogie at isa na rito ay ang nabanggit niyang wala umano silang tinanggap na bayad para sa naturang kaganapan na dinaluhan ng libo-libong katao noong Pebrero 25.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica