Video ng Leni-Kiko supporters sa Tuguegarao City na humihiyaw ng 'walang solid north', viral
- Mabilis na nag-viral ang video ng Leni-Kiko supporters sa Tuguegarao City kung saan maririnig ang pagsigaw nila ng 'Walang Solid North'
- Sa maiksing video, dinig na dinig ang nasabing hiyawan ng mga taong nakasuot ng pink
- Isang araw bago magtungo ng Cagayan ang grupo ni Vice President Leni Robredo, naganap ang malawakang People's rally sa Bacolod
- Doon naitala ang pinakamataas na bilang ng mga nagsidalo sa mga naisagawa na nilang campaign rally
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Viral ngayon ang video ng mga supporters ng grupo ni Vice president at presidential candidate Leni Robredo na kuha sa St. Peter and Paul Metropolitan Cathedral sa Tuguegarao City.
Nalaman ng KAMI na agaw-eksena umano ang naturang video dahil sa hinihiyaw ng mga supporters na 'walang solid north'
Paulit-ulit na isinisigaw ito ng mga supporters na nakasuot ng pink bilang pakikiisa sa kandidatura ni Robredo sa pagka-pangulo ng bansa.
Ang Tuguegarao ay bahagi ng Cagayan na inaasahan umanong balwarte ng mga Marcos na isa sa mahigpit na katunggali ni Robredo sa pagiging susunod na presidente ng Pilipinas.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Matatandaang mababa ang nakuhang boto ni Robredo sa naturang probinsya nang unang silang magkaharap ni Bongbong Marcos para maging bise presidente ng Pilipinas noong 2016.
Bago magtungo ang grupo ni Robredo sa Cagayan, naganap ang People's rally nila ng kanyang running mate na vice presidential candidate na si Senator Kiko Pangilinan at kanilang senatoriables sa Bacolod na dinaluhan ng 70,000 na 'Kakampink.'
Ito umano ang 'biggest crowd so far' na naitala sa lahat ng naisagawa na nilang campaign rally.
Narito ang viral video mula sa One News:
Si Leni Robredo ay ang kasalukuyang Bise Presidente ng Pilipinas. Siya ay ang misis ng namayapa na si Jesse Robredo at nabiyayaan sila ng tatlong anak na babae na sina Aika, Tricia, at Jillian.
Oktubre 7 noong 2021 nang inanunsyo ni Robredo ang kanyang pagtakbo bilang Pangulo ng Pilipinas sa darating na Eleksyon sa Mayo ngayong 2022. Si Senator Kiko Pangilinan naman ang kanyang running mate na tatakbo bilang bise presidente.
Kamakailan, taos-pusong pinasalamatan din ni VP Leni ang lahat ng mga nakiisa at dumalo sa 'Pink Sunday Rally' para sa kanya na ginanap sa Quezon City Memorial Circle isang araw bago ang Araw ng mga Puso.
Samantala, nag-trending din ang pagiging host ni Ogie Diaz ng grand rally ng mga 'Kakampink' sa Iloilo kamakailan. Naging kontrobersyal ang mga nasabi ni Ogie at isa na rito ay ang nabanggit niyang wala umano silang tinanggap na bayad para sa naturang kaganapan na dinaluhan ng libo-libong katao noong Pebrero 25.
Source: KAMI.com.gh