Leni-Kiko People's Rally sa Bacolod, pumalo sa 70,000 ang mga dumalo
- Umabot sa 70,000 ang mga dumalo sa People's Rally ng tandem nina Leni Robredo at Kiko Pangilinan sa Bacolod
- Ito umano ang pinakamataas na bilang ng mga dumalo sa mga naging people's rally nina Robredo kamakailan
- Sinamahan din sila ng ilang mga showbiz personalities at maging ang misis ni Pangilinan at ang nag-iisang Megastar na si Sharon Cuneta ay naroon din
- Tinapos naman nila ang gabi ng may kasiyahan dahil sa mga bandang nagpaunlak ng tugtugan
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Pumalo sa 70,000 ang mga dumalo sa People's rally ng grupo nina presidential candidate Leni Robredo at ng kanyang running mate na si Kiko Pangilinan na tumatakbo na man sa pagka-bise presidente.
Nalaman ng KAMI na nakisaya ang libo-libong Negrense ngayong Marso 11 kung saan nakita at nakinig mismo nila ang mensahe ng sinusuportahang mga kandidato.
Kasama ng grupo nina Robredo ang ilan sa mga kilalang perosnalidad sa showbiz tulad nina Joel Torre, Agot isidro, Edu Manzano at marami pang iba.
Naroon din ang nag-iisang Megastar na si Sharon Cuneta na nagpaunlak pa ng isang awitin para sa mga 'Kakampink' bago niya ipakilala ang kanyang mister na si Senator Pangilinan.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Matapos naman ang mensahe ni VP Leni, Masayang nakikanta ang mga nagsidalo sa bandang Rivermaya. Sila ang tumutugtog habang nagpapaunlak naman ng pagpapapirma at pagpapa-picture ang buong grupo ni Robredo.
Maraming banda rin ang nakisaya tulad ng Gracenote at Mayonnaise kaya nagmistulang concert ang pagtitipon ito ng mga supporters ni Robredo.
Narito ang kabuuan ng mga kaganapan sa Paglaum Sports Stadium sa Bacolod mula mismo sa YouTube channel ni Leni Robredo:
Si Leni Robredo ay ang kasalukuyang Bise Presidente ng Pilipinas. Siya ay ang misis ng namayapa na si Jesse Robredo at nabiyayaan sila ng tatlong anak na babae na sina Aika, Tricia, at Jillian.
Oktubre 7 noong 2021 nang inanunsyo ni Robredo ang kanyang pagtakbo bilang Pangulo ng Pilipinas sa darating na Eleksyon sa Mayo ngayong 2022. Si Senator Kiko Pangilinan naman ang kanyang running mate na tatakbo bilang bise presidente.
Kamakailan, taos-pusong pinasalamatan din ni VP Leni ang lahat ng mga nakiisa at dumalo sa 'Pink Sunday Rally' para sa kanya na ginanap sa Quezon City Memorial Circle isang araw bago ang Araw ng mga Puso.
Samantala, nag-trending din ang pagiging host ni Ogie Diaz ng grand rally ng mga 'Kakampink' sa Iloilo kamakailan. Naging kontrobersyal ang mga nasabi ni Ogie at isa na rito ay ang nabanggit niyang wala umano silang tinanggap na bayad para sa naturang kaganapan na dinaluhan ng libo-libong katao noong Pebrero 25.
Source: KAMI.com.gh