Leni Robredo, binabasa ang placards sa campaign rally; "Kung ano-ano naiisip niyo"
- Viral ang video kung saan ibinahagi ang pagbabasa ni Vice President Leni Robredo ng mga placards sa pangangampanya niya sa Tondo
- Makukulit ang mga nakasulat sa placards ng mga supporters ni Robredo sa pagtakbo nito sa pagka-presidente
- Nagugulat na lamang ang bise presidente sa mga mensaheng nakasulat at sinabing 'binabasa' lang niya ang mga ito at hindi siya mismo ang nagsasabi
- Kamakailan, una nang nagviral ang maiksing video na siya mismo ang nagbahagi kung saan ang nakasulat sa placard ay 'VP Leni, shot na'
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Viral ang video ng Twitter user na si @ricci_richy kung saan makikita ang makulit na pagbabasa ni Bise presidente Leni Robredo ng mga supporters niya sa campaign rally sa Balik-Balik Tondo.
Nalaman ng KAMI na nagkaroon ng pagkakataong magbasa ang presidential candidate ng mga nilalaman ng placards at talagang nagugulat at natatawa na lamang siya sa mga nilalaman nito.
"Talagang makukulong yata ako pagkatapos nito,"
"Ano ba yan, kung ano-ano naiisip niyo,"
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
"Oy, 'wag naman ganyan, kayo talaga"
"Hindi tayo kumukunsinti niyan ah"
"Baka hindi na ako makalabas dito ah," ang ilan sa mga naging komento ng bise presidente na matiyagang nagbasa ng mga mensahe ng kanyang mga 'Kakampink.'
Narito ang kabuuan ng video:
Si Leni Robredo ay ang kasalukuyang Bise Presidente ng Pilipinas. Siya ay ang misis ng namayapa na si Jesse Robredo at nabiyayaan sila ng tatlong anak na babae na sina Aika, Tricia, at Jillian.
Oktubre 7 noong 2021 nang inanunsyo ni Robredo ang kanyang pagtakbo bilang Pangulo ng Pilipinas sa darating na Eleksyon sa Mayo ngayong 2022. Si Senator Kiko Pangilinan naman ang kanyang running mate na tatakbo bilang bise presidente.
Kamakailan, taos-pusong pinasalamatan din ni VP Leni ang lahat ng mga nakiisa at dumalo sa 'Pink Sunday Rally' para sa kanya na ginanap sa Quezon City Memorial Circle isang araw bago ang Araw ng mga Puso.
Samantala, nag-trending din ang pagiging host ni Ogie Diaz ng grand rally ng mga 'Kakampink' sa Iloilo kamakailan. Naging kontrobersyal ang mga nasabi ni Ogie at isa na rito ay ang nabanggit niyang wala umano silang tinanggap na bayad para sa naturang kaganapan na dinaluhan ng libo-libong katao noong Pebrero 25.
Ilan din sa kilalang personalidad na naroon sa Iloilo bilang pagsuporta sa kandidatura ni Leni Robredo ay sina Cherry Pie Picache, Edu Manzano, Lara Quigaman, JK Labajo at Ely Buendia.
Source: KAMI.com.gh