Mayor Isko, naiyak sa pagtatapos ng speech niya sa inauguration ng Tondominium One
- Naging emosyonal si Mayor Isko Moreno sa inauguration ng proyekto niyang Tondominium One
- Sinariwa rin kasi ni Mayor Isko ang sarili niyang karanasan bilang isang residente ng Maynila na wala umanong maayos na tirahan noon
- Pinaalalahanan niya ang kanyang mga kababayan na sa Diyos magpasalamat at hindi sa kanya gayung tulay lamang siya ng katuparan ng mga pangarap na magkaroon ng maayos na tirahan ang mga Manilenyo
- Si Moreno ay isa sa mga kakandidato sa pagka-pangulo ng bansa sa darating na Halalan sa Mayo
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Hindi napigilang maging emosyonal ni Manila City Mayor Isko Moreno sa inauguration ng proyekto niyang Tondominium One na ginanap ngayong Pebrero 7.
Nalaman ng KAMI na bago matapos ang kanyang mensahe sa mga Manilenyo, nanginginig na ang boses ng alkalde habang sinasabing mahal na mahal niya ang mga kababayan.
"Walang maiiwan. Kahit ano pang sabihin nila, ang importante sa akin, kayo... tao, mamamayan. 'Yun ang dahilan kung bakit ako pumasok sa pamahalaan."
"Magpasalamat kayo sa Diyos ha, huwag kay Isko. Ako tulay lang, importante nakatawid kayo. I love you, mag-ingat kayo, mahal na mahal ko kayong lahat."
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Inalala rin ng alkalde ang kanyang karanasan bilang naghihikahos na residente ng Maynila noon.
Isa rin umano siya sa mga nangarap ng maayos na tirahan tulad ng mga residenteng mabibiyayaan ng unit sa Tondominium.
Kaya naman katuparan talaga ito sa marami na hindi naumano mangangamba sa tuwing may sakuna dahil sa maayos na masisilungan at "may elevator pa" aniya.
Ang kabuuan ng mga kaganapan sa nasabing inauguration ay naibahagi sa kanyang Facebook page na Isko Moreno Domagoso:
Si Francisco "Isko" Moreno Domagoso ay isa sa mga sikat na aktor sa Pilipinas. Siya na ngayon ang ika-27 na naging alkalde ng Lungsod ng Maynila. Kilala siya sa tawag na 'Yorme' ng kanyang mga tagasuporta sa kanilang lungsod.
Ginanap ang pag-anunsyo ni Mayor Isko ang kanyang pagkandidato bilang pangulo ng Pilipinas sa Baseco compound sa Tondo, Maynila noong Setyembre 22.
Sinundan ito ng kumpirmasyon na ang kanyang running mate na tatakbo bilang bise presidente ay ang kilalang doctor na si Doc Willie Ong.
Source: KAMI.com.gh