Manny Pacquiao, naluha sa interview sa kanya ni Boy Abunda
- Hindi napigilan ni Senator Manny Pacquiao ang maluha nang mapag-usapan na nila ni Boy Abunda ang mga kababayan nating naghihirap
- Aniya, naranasan niya ang buhay na ganoon at noo'y dumanas din sila ng gutom
- Kaya naman sa pagtakbo niya sa pagka-Pangulo ng bansa, ang pagtulong sa mga mahihirap na kababayan ang kanya talagang gagawin
- Matatandaang noong nakaraang taon, namahagi pa rin siya ng tulong at pamasko nang dumalaw siya sa Batangas na bahagi umano ng kanyang 'charity work' na matagal nang ginagawa
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Naluha si Senator Manny Pacquiao nang mapag-usapan nila ni Boy Abunda ang tungkol sa mga kababayang Pilipino na naghihirap.
Nalaman ng KAMI na aminado si Pacquiao na pagdating sa mga mahihirap, talagang emosyonal siya.
"Kasi naranasan ko ang walang pagkain sa isang araw. Naranasan ko na walang matulungan. Naranasan ko na magutom. Tubig, iyan lang tubig ang naka-survive sa amin. Kaya hindi ko maalis sa sarili ko na emosyonal ako masyado sa mga mahihirap dahil dumanas kami sa hirap... 'Yan yung desire ko, yung puso ko, Gusto kong tulungan ang ating bansa, tulungan ang mga mahihirap na tao dahil dumanas ako ng walang pagkain sa isang araw."
Aniya, patuloy pa rin siyang magbibigay ng pabahay sa mga mahihirap at lalo na ang pagbibigay umano sa mga ito ng hanapbuhay.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Narito ang kabuuan ng panayam kay Senator Manny na mula sa The Boy Abunda Talk Channel:
Si Manny "Pacman" Pacquiao ay isang eight-division world boxing champion, at tinaguriang "one of the greatest boxers in history". Pinasok din niya ang pulitika kung saan una siya naging congressman at ngayon, isa siya sa mga senador ng bansa. May 10, 2000 nang ikasal siya kay Jinkee at nabiyayaan sila ng limang anak na sina Emmanuel Jr. (Jimuel), Michael Stephen, Mary Divine Grace (Princess), Queen Elizabeth (Queenie) at Israel.
Sa kanyang kumpirmasyon ng pagtakbo sa pagka-Pangulo, inihanda na rin niya ang tinawag niyang '22-round agenda' sa naging interview sa kanya ni Toni Gonzaga na mapapanood sa kanyang YouTube channel.
Isa rin siya sa mga presidentiables na nagpaunlak sa 'Presidential Interviews' ni Jessica Soho na naisa-ere noong Enero 22.
Source: KAMI.com.gh